--> Sorpresa ng Magkakapatid sa Kaarawan ng Kanilang Ama, Naantig ang Puso ng mga Netizens | ChikaTime

Sorpresa ng Magkakapatid sa Kaarawan ng Kanilang Ama, Naantig ang Puso ng mga Netizens

  Agad na nag-viral sa social media ang mga larawan ng magkakapatid na ibinahagi sa social media na kung saan ay naghanda ng sorpresa ang ma...

 


Agad na nag-viral sa social media ang mga larawan ng magkakapatid na ibinahagi sa social media na kung saan ay naghanda ng sorpresa ang magkakapatid para sa kaarawan ng kanilang ama.

 Sa halip kasi na mga normal na lobo at cake ay lobong gawa sa plastik na labo at cake na gawa sa itlog ang kanilang naihanda dahil sa kawalan ng pera sa panggastos nito. 


Ayon sa post ng netizen na nagbahagi nito sa social media ay naantig siya sa ginawa ng mga bata dahil sa effort nitong ipinakita sa paggawa ng sorpresa para sa kanilang ama.


"Nakakatatsss nmn ang mga kapitbahay ko sapagkat kahit mahirap lamang ang buhay nagawa nilang mag effort para sa kaarawan ng kanilang ama ang plano nila ay isorpresa ang ama pagdating sapagkat nag nasa trabaho pa ito...nakakataba ng puso ang gantong mga eksena...sakadahilanang wlang perang pambiling lobo ay nag gawa sila gamit ang plastick labo at sinulatan ng happy birthday papa...at nagawa pa sila ng cake na gawa sa itlog." 





Sa kabila nito, maraming netizens ang humanga at pinuri ang ginawa ng mga bata para mapasaya ang kanilang ama.

Maliban pa nito ay may mga netizens din ang nag-tag sa GMA program na "Kapuso Mo, Jessica Soho" at sa programa ni idol Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action sa pag-asang matulungan ang mga bata ng mga ito. 





 Anong masasabi mo sa ginawa ng magkakapatid na ito? Isa kaba sa na-touch nito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.