--> News Reporter na si Alvin Elchico, Nag Public-Apology sa Ginawa niyang Ito kay Angel Locsin | ChikaTime

News Reporter na si Alvin Elchico, Nag Public-Apology sa Ginawa niyang Ito kay Angel Locsin

Humihingi ng paumanhin ngayon ang ABSCBN News reporter na si Alvin Elchico kaugnay sa viral niyang interview kay Angel Locsin tungkol sa na...




Humihingi ng paumanhin ngayon ang ABSCBN News reporter na si Alvin Elchico kaugnay sa viral niyang interview kay Angel Locsin tungkol sa nangyari sa community pantry.



Talagang agad na nilinaw ni Alvin Elchico na wala siyang intensiyon na makapanaki1t matapos siyang mabat1kos kaugnay sa kanyang naging panayam kay Angel Locsin .

Matatandaang naitanong ni Alvin kung may balak pa daw ba ang aktres na mag-organisa ng community pantry matapos ang masaklap na kaganapan. 

 


"Kahit may nangyaring ganito, meron ka pa rin bang susunod na ioorganisang community pantry o nadala ka na?" tanong ni Alvin



 

Dito na naiyak si Angel ay sinabing wala na siyang balak na ulitin iyon.



"Wala na po, hindi na po." sagot ni Angel


Sa pagtatapos ng interview, humingi ng tawad si Angel:

"Humihingi lang din po ako ng tawad sa lahat ng naabala. Hindi ko po talaga intensiyon, pansensiya na po talaga."



 

Dahil sa pangyayaring ito ay umani ng sari-saring pambabat1kos ang anchor mula sa mga netizens dahil sa paraan ng pagtatanong nito .

Matapos siyang makatanggap ng negatibong reaksyon ay nagsorry rin si Alvin sa kanyang programa sa Teleradyo kasama si Doris Bigornia.


Panoorin:



 

Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.