--> Julia Barreto,May Mainit na Mensahe Matapos Magsalita si Bea Alonzo laban kay Gerald Anderson | ChikaTime

Julia Barreto,May Mainit na Mensahe Matapos Magsalita si Bea Alonzo laban kay Gerald Anderson

 Naging agaw atensyon sa mga fans ang mensahe ni Julia Barreto sa kanyang Instagram tungkol sa kanilang relasyon ni Gerald Anderson. Sa kan...

 Naging agaw atensyon sa mga fans ang mensahe ni Julia Barreto sa kanyang Instagram tungkol sa kanilang relasyon ni Gerald Anderson.




Sa kanyang Instagram, ipinakita ni Julia ang kanyang pagmamahal sa kanyang bagong karelasyon sa pamamagitan ng pagpo-post ng kanilang litrato sa isang beach.

Agad namang tumugon si Gerald sa post ni Julia.

 




Ipinost ito ni Julia ilang oras matapos ilabas ng isang magazine ang panayam nila kay Bea Alonzo kung saan ay binanatan nito ang kanyang ex-boyfriend na si Gerald.



“He’s not holding himself accountable. That’s what really gets me. He has not changed. Not a bit. He was only protecting himself. He’s selfish,” kwento ni Bea.

“I can’t even find the words to describe that man.” dagdag niya pa.



Matatandaan natin na naging kontrobersiyal sina Gerald Anderson,Julia Barreto at Bea Alonzo noon.

Si Julia ang sinasabing third party diumano sa relasyon ni Gerald at Bea.


At ngayon ay inamin na rin nila ang kanilang relasyon sa publiko.
 

Matatandaan natin na talaga namang itinanggi noon ni Julia na may namamagitan sa kanila ni Gerald, hanggang sa umamin rin sila nitong nakaraang buwan tungkol sa totoong relasyon nila ng aktor.