--> Isang Batang Studyante, Hinangaan ng Maraming Netizens Matapos Magawang Pag Sabihan ang DepEd sa Bagay na Ito! | ChikaTime

Isang Batang Studyante, Hinangaan ng Maraming Netizens Matapos Magawang Pag Sabihan ang DepEd sa Bagay na Ito!

 Talagang hinangaan at umani ng papuri sa netizens ang isang Grade 5 student mula Polomolok, South Cotabato nang i-post ng kaniyang tatay an...

 Talagang hinangaan at umani ng papuri sa netizens ang isang Grade 5 student mula Polomolok, South Cotabato nang i-post ng kaniyang tatay ang sulat niya sa Department of Education dahil sa nakita umanong gender b1as sa kaniyang learning module.



 

Kinilala ang bata na si Miguel Lapid, estudyante ng Polomolok Central Elementary Schoool.


Ibinahagi sa social media ni Michael Jess Lapid, ang ama ng batang estudyante na nakilalang si Miguel Lapid, ang sulat na ginawa ng huli pati ang larawan ng module.

 








Sa larawang ina-upload ni Michael Jess Lapid, ama ng bata, makikita ang isang aktibidad sa module kung saan dapat i-match ng isang bata ang ilang paglarawan sa lalaki at babae.

Base sa larawan ng answer key, sinasabing ang tamang panlarawan sa lalaki ay astig, malakas at matapang habang iyakin, mahinhin, atp paiba-iba ang modo naman ang sa babae—bagay na hindi sinang-ayunan ni Miguel.

Sa sulat ni Miguel, na 11 anyos lamang, sinabi ng bata na tila may ‘gender bias’ ang module na pinasasagutan sa kanila.



“I feel that this is oddly gender b1ased since some males aren’t strong and tough, but some females are,” ayon sa bata. 

“Also females aren’t frag1le, in fact, many are strong and brave.”



 

Nasasaad din sa sulat na ang pagiging lalaki ay hindi nangangahulugan na automatic na matapang at tigasin agad sapagkat marami rin umanong natatakot at umiiyak.

“So, in summary, this activity may hurt people who see it because of its stereotyp1ng and b1as,” wika pa sa sulat ni Miguel.


Ayon sa naging kwento ng ama ay nakita niyang na stuck ang kanyang anak sa part na ‘yon ng module.


“Nakita ko na stuck siya sa part na ‘yon ng module. Nalilito siya kung paano niya sasagutan kasi sabi niya may mali sa module, pointing out na may gender bias daw,”


“Iniwan namin siya to work on his module and later on, pinakita niya na ‘yong letter niya,” bahagi ng ama.


Marami naman ang humanga kay Miguel na sa murang edad nito ay sensitibo na agad sa mga katulad na isyu. Pinuri din ng mga netizens ang magulang ng estudyante dahil sa maayos na pagpapalaki sa bata.

 

 Reaksyon ng ilang Netiznes:







Panoorin ang video:


 

 

Anong masasabi mo sa ginawang ito ng batang mag-aaral? Isa ka ba sa napabilib sa kanya? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.