Bumulus0k mula sa ulap ang helicopter ng Philippine Air Force (PAF) at lumagapak sa dagat ng bayan ng Getafe sa Bohol. Talagang isang hind...
Bumulus0k mula sa ulap ang helicopter ng Philippine Air Force (PAF) at lumagapak sa dagat ng bayan ng Getafe sa Bohol.
Talagang isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap na ito kung saan ay isa ang nasaw1 at tatlo ang sugat@n nang mag-cr4sh ang helicopter ng Philippine Air Force sa Getafe, Bohol.
Si Captain Aurelios Olano, ang piloto ng helicopter ang kinilalang nasaw1.
Ayon sa pahayag ni Anthony Damalerio, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer, ang tatlong nakaligtas na mga tauhan ng PAF ay dinala sa President Carlos P. Garcia Memorial Hospital sa bayan ng Talibon sa Bohol.
Stable na ang kondisyon ng tatlo at maari nang ilipat sa medical facility sa Cebu.
Sinabi pa ni Damalerio, na base sa mga natanggap nilang report, nag-cr4sh ang MD 520MG helicopter ng PAF sa karagatan malapit sa may Jandayan Island sa Getafe, Bohol bandang 9:30 ng umaga.
Sinabi rin ni Damalerio na ayon sa mga mangingisda na siyang nakakita sa insidente, bumulus0k umano ang helicopter sa dagat hanggang sa tuluyan nang lumub0g.
Nakita rin umano ng mga mangingisda ang tatlong tao na tumalon mula sa helicopter bago ito tuluyang nag-cr4sh.
"Mga fisherman ang naka-rescue sir, samtang gahuwat mi sa among biyahe padung sa Island Padanon, niabot sila. Mao 'to, nga na-crash kuno sila," saad ni Asterio Suello, head of Getafe town's local
Agad namang tumulong ang mga mangingisda sa mga tauhan ng Air Force.
Sa ngayon, iniimbestigahan na kung ano ang naging sanhi ng aksidente.
Magkakaloob naman ng tulong-pinansyal ang PAF sa pamilya ng namatay.
“The men and women of the Philippine Air Force, led by Commanding General Lt. Gen. Allen Paredes, deeply grieves the loss of an aircrew who offered his life in the line of duty,” ayon sa pahayag ng PAF.
Ayon naman sa salaysay ni PAF spokesman Lt. Col. Maynard Mariano, ang MD 520MG ay mula sa PAF 15th Strike Wing at nagsasagawa ng maintenance flight mula Mactan Island sa Cebu nang mangyari ang aks1dente.
Sa ngayon ay grounded muna ang kanilang MD 520MG fleet bagamat siniguro ng pamunuan ng PAF na lahat ng assets nito ay dumadaan sa istrikto at regular na maintenance inspection bago at pagkatapos ng lipad.
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.