Kamakailan ay nagviral ang mga larawan ni Angel Locsin na kung saan ay may inabot umanong pera ang aktres sa umanoy staff ng GMA News. ...
Kamakailan ay nagviral ang mga larawan ni Angel Locsin na kung saan ay may inabot umanong pera ang aktres sa umanoy staff ng GMA News.
Nagsalita narin sa wakas ang GMA News kaugnay sa kumakalat ngayon na larawan ni Angel Locsin na umanoy nag-abot ng pera sa isang umanoy staff ng GMA News.
Paliwanag ng GMA News, hindi raw bahagi ng GMA News and Public Affairs Coverage team ang nasabing lalaki.
“Kaugnay po ng community pantry na itinayo ni Angel Locsin, meron pong mga nagpost sa social media ng larawan at video ng aktres na may iniabot sa isang lalaking may ID lanyard ng GMA Network.
“Ang nasabing lalaki ay hindi po bahagi ng GMA News and Public Affairs coverage team. Siya po ay isang talent makeup artist ng isang programa ng GMA. Wala pong konesyon ang GMA sa kaniyang pagpunta sa lugar.”
Isa umanong itong make-up artist ng isang program ng GMA at wala rin daw koneksyon ng GMA ang nasabing lalaki.
Ipinagtanggol at ipinaliwanag na rin ng boyfriend ni Angel na si Neil Arce ang pangyayaring ito.
Sa kumakalat na post makikita si Angel at umanoy staff ng GMA.
Ipinaliwanag ni Neil na ang lalaki ay talagang dating make-up artist ni Angel noong nagtatrabaho siya sa istasyon.
Bakit nag abot ng pera si Angel Locsin sa taga GMA Network? Ano meron? pic.twitter.com/vFEh7UxRgt
— Mark Lopez (@MacLen315) April 23, 2021
Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.