--> "DELIVERY RIDER TO THE RESCUE" ,Netizens Napabilib sa Kabutihang Loob ng Delivery rider na Ni Rescue ang Customer! | ChikaTime

"DELIVERY RIDER TO THE RESCUE" ,Netizens Napabilib sa Kabutihang Loob ng Delivery rider na Ni Rescue ang Customer!

   Napahanga ang mga netizens sa isang delivery rider na kung saan ay nakapagbigay ito ng tulong sa isang babae na nagkaroon ng biglaang pag...

 


 Napahanga ang mga netizens sa isang delivery rider na kung saan ay nakapagbigay ito ng tulong sa isang babae na nagkaroon ng biglaang pag-atake ng hika dahil sa maling mensahe na ipinadala o wrong set si ang dalagita. 


Walang pag-alinlangan na ibinahagi ng babaeng si Diane Francheska Ombac sa social media na na-wrong sent siya sa delivery rider na si Ronald Bacani,.




PHOTO FOR DEPICTION USE ONLY

Ayon kay Diane ay buong akala niya ay ang kanyang kuya ang kanyang nagte-text.


“Kuya di ako maka hinga. Bilhan mo ko ventolin Rotacap sa

 Watsons. Para sa hika. Capsules yun. Please. Di talaga ko maka hinga,” Ombac’s text


 

Nagkataon na si Bacani ay naghatid din ng packaged kay Diane, kahit na malayo na, ay hindi nag-atubiling bumili ito ng gamot at bumalik sa kanyang customer na nahihirapan na huminga.



Ang ginawang ito ng delivery rider na si Bacani ay talagang naghatid ng malaking tulong sa customer kung saan ay maiwasan na lumala pa ang nararamdaman ng customer.



“Right after makaalis ni kuya, dun na po ako inatake ng asthma kasi medyo maalikabok yung mirror. Ang akala ko po kapatid ko yung na-text ko,” saad nito sa kanyang post. 


“…nung sinabi niyang malayo na siya, di na ko nag-reply. Bumalik si kuya binilhan niya ko tapos hindi siningil yung shipping,” dagdag pa



Sa paglaon, ibinahagi niya sa social media at ipinahayag ang kanyang pasasalamat sa delivery rider na si Bacani.


Reaksyon ng ilang mga netizens:










 

 Anong masasabi mo sa kabutihang loob ng delivery rider na ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.