Nag-viral sa social media ang kakaibang konsepto ng proposal ng boyfriend sa kanyang nobyang isang online seller. Talagang kilig ang bina...
Nag-viral sa social media ang kakaibang konsepto ng proposal ng boyfriend sa kanyang nobyang isang online seller.
Talagang kilig ang binaon ng mga tumutok sa live selling ng isang babaeng nag-o-online selling sa facebook.
Sa halip kasi na ang mga ibinebenta niya ang i-“mine”, matamis na “oo” ang hiningi sa kanya ng kasintahan na bigla na lamang nag-propose sa gitna ng kanyang pagtitinda.
Dito ay makikita na biglaan na lamang lumitaw at lumuhod sa kanyang likuran ang nobyo nito na si Josephous Sumaylo Ramas.
Dahil sa sobrang abala sa pagtitinda ay hindi agad napansin ni Rienz ang nasa likod.
Nagpatuloy ito sa pagbebenta at pagtingin ng mga kumento mula sa mga taong nagma-“mine” ng kanyang itinitinda.
Nang sa wakas ay napansin na niya ang nobyo ay kitang-kita ang magkahalong pagkabigla at tuwa sa surprise proposal ng kanyang pinakamamahal.
“Will you marry me?” nakangiting tanong ni Josephous.
Agad naman tumugon si Rienz, “Yes!”
Kasunod nito ay bumuhos na ang mga kumento at nakatutuwang mga mensahe mula sa mga nanonood ng live selling. Masayang-masaya ang mga ito sa kanilang nasaksihan.
Agad namang ibinahagi ni Rienz ang moment na ito sa social media.
“Nagtitinda lang naman po ako, bakit may ganito? I SAID YES! With feelings! Salamat sa lahat ng nag-wish and nag-greet. I love you, Josephous Sumaylo Ramas.” pagbabahagi nito
Panoorin: