Matatandaang naging viral ang isang video ng isang rider na pinigilan ng isang opisyal ng baranggay dahil sa mga paghihigpit sa curfew. In...
Matatandaang naging viral ang isang video ng isang rider na pinigilan ng isang opisyal ng baranggay dahil sa mga paghihigpit sa curfew.
Inilahad ng delivery rider na siya ay maghahatifd ng "lugaw" sa isang customer ngunit pinigilan ito at sinabi ng opisyal ng barangay na hindi ito "essential."
Ngayon naman ay agad na nag viral ang kanta ni Ogie Alcasid na "lugaw is essential".
Si Ogie Alcasid ay lumikha ng isang kanta mula sa salitang "lugaw is essential" at nai-post ito sa social media.
Ang post ay nakakuha ng libu-libong pagtingin sa isang araw lamang at nakakuha pa ito ng papuri ng maraming mga showbiz personalities tulad ng Megastar Sharon Cuneta.
“Excuse me lang po pero yes, LUGAW IS ESSENTIAL!!! Hahahaha BFF grabe ka!!! Eydiwaw!” Sharon said.
Ang awiting nilikha ni Ogie, na may lyrics ng kanta na direktang sumalungat sa pinagsasabi ng barangay opisyal ay agad na nagviral.
“Lugaw is essential pagkat ito ay pagkain, lugaw is essential kaya ito ay dadalhin, lugaw is essential pagkain ito ng bawat pinoy, oh lugaw is life, oh lugaw is life, lugaw is essential,”
Ang termino ay inilabas ng mga opisyal ng MalacaƱang, partikular na si Presidential Spokesperson Harry Roque, bilang tugon sa isang katanungan kung ang aksyon ng isang opisyal ng barangay na pigilan ang isang delivery rider na magdala ng "lugaw" sa kanyang customer ay angkop o hindi.
Sinabi ng MalacaƱang na ang "lugaw is essential" dahil ito rin ay pagkain. Humingi na ng paumanhin ang opisyal ng barangay.
Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin mapigilan ang ibang netizen mula sa paggawa ng mga meme tungkol sa "lugaw is essential".
Panoorin:
Anong masasabi mo kaugnay sa bagay na to?