Agad na nag-viral sa social media ang kumakalat na pahayag ng isang netizen kaugnay sa pag-snob umano sa kanila ni Andi Eigenmann. ...
Agad na nag-viral sa social media ang kumakalat na pahayag ng isang netizen kaugnay sa pag-snob umano sa kanila ni Andi Eigenmann.
Dahil dito ay agad nilinaw ni Andi Eigenmann ang tungkol sa naging pahayag ng isang netizen na kumuwestiyon kung totoo daw ba ang pinapakita niya sa social media.
Ito ay matapos umanong dalawang beses na hindi pumayag si Andi na makapagpapicture ang ilang Siargao guests sa kanya.
Ayon kay Andi ay simula nang nagpahinga siya sa showbiz at tumira sa Siargao, inasahan niyang ma-eenjoy niya ang kanyang privacy at ang kagandahan ng lugar.
Gayunpaman, aniya dahil nagkaroon sila ng YouTube channel ay parang imposibleng makawala siya sa mga atensiyon ng tao kagaya nung nasa showbiz pa siya.
Base sa kanyang kwento na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram Story, umaasa siyang maintindihan ng mga tao na tao din sila na may mga responsibilidad.
Kwento pa at paliwanag ni Andi na hangga't kaya ay pinagbibigyan niya umano ang mga taong gustong makakuha ng litrato kasama siya.
Dagdag pa niya, hindi nila pinatayo ang bahay nila para pasukin at natural lang na mabigla silang may ibang taong papasok sa bahay nila habang kumakain sila at kakagising pa lamang.
Aniya, naiintindihan niyang balak nilang gawing bed and breakfast ang kanilang bahay ngunit hindi pa umano ito nag-ooperate ngayon.
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo kaugnay nito?