Naging laman ngayon sa social media ang ibinahagi ng aktres tungkol sa kanyang h1rap na pinagdaanan dahil sa sakit na ito. Ibinahagi ni R...
Naging laman ngayon sa social media ang ibinahagi ng aktres tungkol sa kanyang h1rap na pinagdaanan dahil sa sakit na ito.
Ibinahagi ni Ria Atayde na sumailalim siya sa isang operasyon kamakailan dahil sa kanyang herniated disc sa kanyang spine.
Bukod sa hindi na siya komportable at apektado na ang kanyang pang-araw-araw na gawain, gusto rin ni Ria na maging handa para sumabak sa isang teleseryeng kanyang gagawin.
Sa isang panayam sa ABS-CBN News, binahagi ni Ria ang kanyang pinagdaanan. Bago tuluyang magpasya ay nakapagkonsulta siya sa walong doktor.
“Out of the eight, two of them said don’t do surgery, not yet, kaya pa. But six of them said, ‘You need it or else there’s a tendency na pwede ka maging paralyzed or you will reach a point na you can’t control your bladder, internal organs.’ I was like, ‘Oh my God, really?’ I did pa rin therapy kaso nga this February, sobrang lala,” aniya.
Isinagawa ang operasyon sa St. Luke’s Medical Center . Ibinahagi ni Ria na si Angel ang tumulong sa kanya.
Isa si Angel sa mga kilalang mga artistang may kondisyon na kagaya sa kanya
“She gave me all her contacts. She gave me all the numbers even of her doctors in Singapore. Saying nga I couldn’t see them because I’m not entitled to fly to Singapore,” pagbabahagi ni Ria.
Panoorin ang ibang detalye:
Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito?