Usap-usapan ngayon ang aktres na si AJ Raval matapos niyang aminin ang bagay na ito. Sa isang panayam sa virtual mediacon para sa kanyang ...
Usap-usapan ngayon ang aktres na si AJ Raval matapos niyang aminin ang bagay na ito.
Sa isang panayam sa virtual mediacon para sa kanyang bagong pelikula, "Death of a Girlfriend," na pinagbibidahan din ni Diego Loyzaga ay may inamin si AJ.
Ibinahagi ni AJ ang reaksyon ng kanyang ama na si Jeric Raval kaugnay sa kanyang mapangahas na larawan sa Instagram.
Ayon sa aktres, nagalit sa kanya si Jeric sa pag-post ng daring photos at kaya naman kinailangan niyang tanggalin ito.
Ipinaliwanag niya na nagalit ang kanyang ama sapagkat napagsang-ayunan nila na maaari lamang siyang gumawa ng mga daring kapag gumagawa siya ng pelikula.
"Nagalit po siya kaya ngayon deleted na yung post ko. Ipinaalis po.”
"Nagalit po siya kasi pinag-usapan na namin na magpapaseksi po kung work lang po, kapag kailangan,” pagbabahagi ni AJ
Sa kabutihang palad, pinapayagan na ngayon ni Jeric si AJ na gumawa ng mga daring roles sa kabila ng pagtatangka nito na hadlangan ito sa simula.
“Sa totoo lang po, hindi sila naging supportive noong una. Pero ngayon naman po, hinahayaan na po nila ako," kwento pa ni Aj
Dahil dito ay marami sa mga netizens ang napakomento at nagsasabing protective father si Jeric Raval.
Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.