Kamakailan ay isiniwalat ni Willie Revillame kung gaano naging mapagbigay sa kanya ni Charo Santos sa panahon ng kanyang pagpapakumbaba. N...
Kamakailan ay isiniwalat ni Willie Revillame kung gaano naging mapagbigay sa kanya ni Charo Santos sa panahon ng kanyang pagpapakumbaba.
Noon, bago maging lead host ng Wowowee na ipinalabas noong 2005 ay nagsisimula pa lamang si Willie sa kanyang pagiging host.
Matatandaan na nagsimula siya sa showbiz sa pamamagitan ng mga comedy films hanggang noong 2005 ay binigyan siya ng isang malaking pagkakataon upang maging lead host ng ABS-CBN defunk game show na Wowowee.
Ngunit bago iyon, alam mo bang binigyan ni Charo Santos si Willie ng napakalaking pera?
Kamakailan lamang ay isiniwalat ito ng TV host sa kanyang pagdiriwang ng ika-60 kaarawan na binigyan siya noon ni Charo Santos Php 2,000,000 para bumili siya ng bahay.
Si Willie ay nagkaroon ng birthday special sa kanyang noontime show na Tuktok To Win. Sa araw na iyon, binati siya ng kanyang mga kaibigan sa showbiz circle sa pamamagitan ng mga video.
Kabilang sa iba`t ibang personalities ay ang Chief Content Officer ng ABS-CBN na si Charo Santos.
“Willie, 60 is a good place to be in, trust me… Thank you for your friendship mabuti naman hindi mo ako nakakalimutan,” pagbati ni Ms Charo
Matapos itong makita ni Willie ang magandang mensahe ni Ms Charo ay agad niyang ibinahagi na bago pa ang Wowowee ay binigyan na siya ni Charo ng 2 milyon upang bumili ng sarili niyang bahay.
Sa mga panahon na iyon ay nagrerenta lamang siya ng isang bahay. Hindi niya ito inaasahan, ng nagpunta siya sa tanggapan ni Charo nang siya ay ipinatawag.
“‘Pirmahan mo yan para makabili ka ng bahay.’ Binigyan niya ako ng 2 million [pesos]” Kwento ni Willie
Si Charo pala ang nagbigay sa kanya ng proyekto na Wowowee. Ibinigay din niya kay Willie ang lahat ng kapangyarihan upang lumikha ng sarili niyang noontime show.
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo kaugnay nito?Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.