Naging usap-usapan sa social media ang pag alis ng long-time yaya ni Kris na si Bincai.Si Bincai Luntayao ay katulong ni Kris Aquino na pi...
Naging usap-usapan sa social media ang pag alis ng long-time yaya ni Kris na si Bincai.Si Bincai Luntayao ay katulong ni Kris Aquino na pinagkakatiwalaan din niya sa kanyang anak na si Josh.
Marami sa mga netizens ang nagtatanong kung na saan si Bincai at bakit wala na ito sa puder ni Kris. Narito ang dahilan kung bakit iniwan ni Bincai ang puder ni Kris.
Agad namang ibinunyag ni Kris Aquino na tumanggi na ang long-time yaya ng kanyang anak na si Josh at Bimby na bumalik sa kanila upang magtrabaho muli.
Sa kanyang tell-all video, ikinuwento ni Kris kung paano siya iniwan ng tuluyan ni Bincai Luntayao.
Hindi man binanggit ni Kris ang dahilan kung bakit sila nagkaroon ng tampuhan ni Bincai, ngunit nagkwento ang tv host-aktres tungkol sa tila pag aasawa ng dati niyang assistant.
“You kept asking me what happened to Bincai, so this is the story. February 2020 bago mag lockdown, nagtampo ako kay Bincai, we needed a four week break. When I messaged her, na ‘please bumalik ka na’, pero nag specify ako ng bagong ground rules,” kwento ni Kris.
“It was her choice to turn me down and she did, she walked away, ngayon naiintindihan ko, kahit very generous ako, gusto niyo rin naman niyang mag asawa, magka family and siguro, matanggalan ng 24/7 na responsibility of taking care of me, but there’s no absolutely bad blood,” dagdag niya pa.
Malapit na malapit si Bincai sa pamilya Aquino at ilang beses naring nakita ang nasabing assistant sa mga videos ni Kris.
Ating matatandaan na noong 2018 ay binigyan ni Kris ng mamahaling kwintas na Cartier na nagtatampok ng isang pusong may butas sa gitna. Ang tradisyunal na kahulugan ng simbolo na ito ay “will never give a single woman lasting love.”
“[She] told me that a heart w/ a hole in the middle will never give a single woman lasting love according to a Japanese cultural belief— alam niyo naman ako mabilis ma-convince,” saad ni Kris noon
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo sa mga rebelasyong ito ni Kris Aquino? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.