Talagang naging trending ngayon sa social media ang ang isang post na ibinahagi ng netizen na si Kathyrine Roman. Si Kathyrine ang babaen...
Talagang naging trending ngayon sa social media ang ang isang post na ibinahagi ng netizen na si Kathyrine Roman.
Si Kathyrine ang babaeng na sinaktan at niloko ng kanyang boyfriend/fiancee na si Yves Esteban.
Ikakasal na sana ang dalawa ngunit tila hindi na ito mangyayari dahil sa panloloko na ginawa ng kanyang fiancee na si Yves.
Ngayon ay nagsalita na sa unang pagkakataon ang tinaguriang ‘change oil girl’ na kilala sa pangalan na si Sarah de Leon.
Dahil sa mga pambabatikos na kanyang natanggap ay matapang narin siyang nagsalita matapos siyang paulanan ng kritisismo ng mga netizens dahil sa diumano’y pagiging ‘kabit’ nito.
Si Sarah ang babaeng pinagduduhan na naging kabit ni Yves Esteban.
Isa sa mga naging alibi ni Sarah matapos siyang komprontahin ni Kathyrine ay sinasamahan niya lamang daw si Yves na magpa ‘change oil’.
Sa kabila nito ay talagang iginiit ni Sarah na siya ay walang ginagawang masama at magkaibigan lamang sila ni Yves.
Ayon sa kanya, hindi naman kasal si Yves at ang kanyang nobya kaya hindi siya maaring tawagin na isang kabit.
“Unang una wala ako dapat iexplain sainyo dahil di ko naman kayo kilala at wala kayong alam. at wala akong inagaw dahil di naman ako kasali nung nag break sila, desisyon nila yon. Kung nagtatago kami bakit kami lumalabas? How ironic diba. Kung di nyo matanggap na friends kami its not my problem anymore judge me nalang lol” ani Sarah.
“Sa mga nagsasabing “kabet” ako, hindi sila kasal wag ako balakayojan,” dagdag niya pa.
Anong masasabi mo kaugnay sa isyung ito?