--> Mark Anthony Fernandez,G1nulat ang DILG sa Ginawa niyang Ito na Di Inaasahan ng Marami | ChikaTime

Mark Anthony Fernandez,G1nulat ang DILG sa Ginawa niyang Ito na Di Inaasahan ng Marami

   Aminado si Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III na napikon siya nang mabalitaang nak...

 


 Aminado si Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III na napikon siya nang mabalitaang nakapagpaturok na ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang aktor na si Mark Anthony Fernandez sa ParaƱaque City gayung hindi naman ito kasama sa priority list ng pamahalaan sa inoculation rollout.

“Kaninang umaga med­yo napipikon nga ako dahil dito sa ParaƱaque may artista na binakunahan, ‘yung Mark ­Anthony Fernandez,” ayon kay Densing, sa isang panayam.



 

 

 

Nanindigan din si Den­sing na hindi pa dapat mabakunahan ang mga taong hindi kasama sa priority list dahil may programang sinusunod ang pamahalaan hinggil dito.

“Meron tayong priority list na dapat i-implement. May programa na sinusunod diyan,” aniya pa.



Nauna rito, kinumpirma ni Fernandez sa isang pana­yam na nakatanggap na siya ng unang dose ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca nitong Lunes.


“Nagpaturok ako kahapon at wala siyang side effect sa akin. Lumakas pa ako. Galing sa UK yung vaccine. Yung ibang side effect, either lagnatin ka nang konti o mahilo. Ako, walang ganoon. Medyo lumakas pa ako.” kwento ni Mark Anthony.



 

Maaring maharap sa panibagong problema ang artista na si Mark Anthony Fernandez matapos niyang aminin na siya ay nakatanggap na ng bakuna kontra C0VID-19 kahit na hindi naman siya healthcare worker.