Naging laman muli sa social media ang vlogger/actress na si Jelai Andres at Jon Guttierez matapos ang kumakalat na balitang may ibang baba...
Naging laman muli sa social media ang vlogger/actress na si Jelai Andres at Jon Guttierez matapos ang kumakalat na balitang may ibang babae na naman si Jon.
Sina Jelai Andres at Jon Guttierez ay nakilala dahil sa kanilang videos na nagviral sa Facebook.
Matatandaang nakipaghiwalay si Jelai kay Jon noong Marso 2019 matapos nag-viral ang kontrobersiyal na Facebook live ni Toni Fowler, ang itinuturong third party sa kanilang relasyon.
Ngayon naman ay napabalitang nagloloko na naman si Jon kay Jelai.
Dahil sa mga pangyayaring ito ay nagsalita na si Jelai Andres kaugnay sa umano'y pambabae ng kanyang asawang si Jon Gutierrez.
Ayon kay Jelai ay ngayon lang niya natuklasan ang tungkol dito na may ibang babae na naman si Jon ngunit July pa pala umano nagsimula ang kanilang relasyon.
Hindi rin mapigilang sumama ang loob ni Jelai sa mga kasama ni Jon sa bahay na mga kaibigan niya dahil alam umano ng mga ito ang tungkol sa babae. Dinadala pa umano ni Jon ito sa kanilang bahay.
Kwento pa ni Jelai, excited pa sana siya na ipaalam sa publiko na nagkabalikan na sila ni Jon doon pa sa kanilang lock-in taping.
Inalmahan rin ni Jelai ang mga nagsasabing dapat ay pribado silang nag-usap ng asawa.
Depensa naman ni Jelai ay kailangan niya nang ipagtanggol ang sarili niya dahil siya na ang napagbibintangang nagloloko.
Anong masasabi mo kaugnay sa mga sinabing ito ni Jelai? Huwag mag atubiling mag iwan ng komento.