--> Maja Salvador ,Napa-Reak sa Pagkakaroon niya ng Love Team kay Empoy Marquez-Netizens Napakomento | ChikaTime

Maja Salvador ,Napa-Reak sa Pagkakaroon niya ng Love Team kay Empoy Marquez-Netizens Napakomento

   Pinag-usapan ni Maja Salvador ang tungkol sa kanyang first onscreen partnership  kasama si Empoy Marquez. Sinabi ni Maja Salvador na ang ...

 

 Pinag-usapan ni Maja Salvador ang tungkol sa kanyang first onscreen partnership  kasama si Empoy Marquez.


Sinabi ni Maja Salvador na ang kanilang love team ni Empoy Marquez na gagawin ay maghahatid umano ng kaba  sa tandem ng KathNiel. 






Sa henerasyong ito, ang tandem nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay isa sa pinakatanyag na love team. Bukod sa pagiging onscreen partner, sila ay magkarelasyon na nagdagdag ng higit na "kilig" sa kanilang mga proyekto na magkasama.



Para kay Maja, ang tandem nila ni Empoy ay magkakaroon ng ganitong epekto tulad ng pabirong  sinabi niya, "kabahan na ang KathNiel."


 Magkasama ngayon sina Maja at Empoy sa Kapatid series na Niña Niño.


“Wala talaga akong loveteam na sobrang nag-clock talaga. [Pero] ito I have a good feeling, kabahan na ang KathNiel hahaha. With Empoy, ang sarap katrabaho kapag magaan eh. Walang ginagawa ka-parnter mo kundi patawanin ka lang. Iba talaga ‘pag may bigote,” saad ng aktres

Marami sa mga netizens ang napakomento sa inihayag ng aktres lalo na sa mga Kathniel fans.

"Good tandem!"

"Walang katapusang katatawanan ito!"

"Ang galing umarte ni Maja"

"love their tandem"


 

Sa isang panayam sa news program ng TV5 na Frontline Pilipinas, sinabi ni Maja Salvador na pribilehiyo niyang ma offer-ran ng ganitong uri ng proyekto.

 

 

Anong masasabi mo tungkol dito? Huwag mag atubiling mag iwan ng komento.