Sa pandemyang ating kinakaharap ngayon ay lab1s itong nagdulot ng pah1rap sa ating lahat. Maging ang mga mag-aaral ay apektado sa mga nan...
Sa pandemyang ating kinakaharap ngayon ay lab1s itong nagdulot ng pah1rap sa ating lahat.
Maging ang mga mag-aaral ay apektado sa mga nangyayari sa ating bansa dala ng covid 19.
Hangad ng maraming mag-aaral ang makapasok sa mga pinapangarap nilang unibersidad nang sa ganoon ay matupad nila ang kanilang mga pangarap para sa pamilya.
Ganoon na lamang ang pagnanais ng isang estudyante sa Madlang, Aklan na makapagpa-schedule sa scholarship exam ng Aklan State University.
At dahil mahina ang signal sa kanilang lugar, umakyat pa ito ng bundok nang nakayapak kasama ang kanyang tiyahin. Subalit halos isang oras ang nakalilipas sa kanilang paglalakad ay bigla umano siyang hin1mat@y.
Ang pangyayaring iyon ay nakunan ng larawan ng kanyang tiyahin na siyang nagbahagi nito sa social media. Agad namang naging viral ang kuwento nito.
Ayon sa salaysay ng tiyahing si Genevie Gregorio, gusto raw umanong tulungan ng kanyang pamangkin ang kanilang pamilya. Mahirap daw ang buhay sa kanila at malayo pa sa bayan. Pagbubukid at pag-aabaca lamang ang ikinabubuhay ng mga magulang nito para siya’y makapag-aral.
Nahimasmasan naman ang pamangkin matapos makapagpahinga at tinuloy pa rin nila ang pag-akyat sa bundok.
Umani ng iba’t-ibang reaksyon ang kuwentong ito.
Isang hamon sa bawat mag-aaral ang kasalukuyang online set up ng mga entrance exams dahil sa COVID. Marami mang pagsubok ang dadaanan, ang importante ay hindi dapat mawalan ng pag-asa ang bawat isa sa atin.
Anong masasabi mo kaugnay nito?