--> Kris Aquino,Usap-Usapan Ngayon Matapos Ibinahagi sa Social Media ang Nakakabahalang Kondisyon niya Ngayon | ChikaTime

Kris Aquino,Usap-Usapan Ngayon Matapos Ibinahagi sa Social Media ang Nakakabahalang Kondisyon niya Ngayon

 Kamakailan lang ay nag-post ng mensahe si Kris Aquino sa kanyang mga tagahanga na nagsasabing isasara niya ang kanyang mga platform upang m...


 Kamakailan lang ay nag-post ng mensahe si Kris Aquino sa kanyang mga tagahanga na nagsasabing isasara niya ang kanyang mga platform upang maiwasang magkamali. 


Ibinahagi din ng aktres na hanggang ngayon ay nagpapagaling pa rin siya mula sa nakakagulong mga personal na bagay at pag-atake ng mga bashers na ginawa laban sa kanyang pamilya.

 



Ang TV host ay nag-post ng isang mensahe noong isang araw kung saan inihayag niya na ibabahagi niya ang kanyang kwento sa katapusan ng linggo. Sa kanyang pinakahuling post, gayunpaman, ipinaliwanag niya na handa siyang ibahagi ang katotohanan ngunit napagpasyahan niyang maghintay hanggang sa maging handa siya.


Inamin din ni Kris na siya ay masyadong transparent at madali siyang mafigure-out ng mga tao  "to read between the lines" 


 


Kaya't nagpasya ang aktres na haharapin niya ang kanyang mga tagahanga kapag handa na siya nang buong buo.


Dagdag pa nito ay hiniling din ni Kris sa kanyang mga tagahanga na huwag siyang iwan ng mga ito at hintayin siya hanggang handa siyang harapin ang mga ito sa katotohanan. 


Nangako din si Kris na lagi siyang manatili sa kanyang mga tagahanga at ipinahahayag nito na namimiss niya sila.

 

Mensahe ni Kris:


I have learned habang may pinagdadaanan, shut down all my platforms para hindi magkamali. I am HUMAN. From before my birthday up to tonight-professional, personal unresolved matters of the heart, and attacks on my family, specifically my children have hurt and angered me. In fact, I am still in the process of HEALING. 


Inakala ko handa na kong magsalita bukas, READY na ang production team ko, pero habang emotional pa ko, alam kong kahit anong pag iingat ang gawin nila sa editing I am too TRANSPARENT. Masyadong matagal nyo na kong kilala, so regardless of what I say you will be able to READ between the lines. And you will figure out the names I have tried so hard to avoid uttering. 



Nagtiis na for more than 1 month, STRAIGHT TALK dahil nagsabay sabay pumayat na sa level nung timbang when i first sought treatment for my autoimmune issues in Singapore. When I do face you, it will be on my terms- when I am fully prepared for whatever consequences my words may carry. Until then, kailangan malaman nyo how much I have missed all of you.

Hindi ako nakasal sa tamang paraan-the vows: I take thee, to have & to hold, from this day forward, for BETTER, for WORSE, for RICHER, for POORER, in SICKNESS, and in HEALTH, to LOVE & to CHERISH, till death do us part... in my heart, para sa inyo yan. And in countless ways pinaramdam nyo na ganyan din kayo sa 'kin. Kaya sana walang iwanan. Konting hintayan lang. 

 






 Sa mga larawang ibinhagi ni Kris ay ating makikita na lalong pumapayat ang aktres.

Marami naman sa mga netizens at iba pang celebrity ang nalungkot sa kalagayan  ngayon ni Kris

Reaksyon ng mga Fans:

 
“Alam niyo naman po thru ups and downs nandito lang kami no matter what. Walang iwanan hanggang sa huli” 


“Our priority Ms. Kris is your healing. We will be patiently waiting whenever you’re ready physically, mentally & emotionally. In God’s time everything will be fine with you & your sons”


 “Alam ko na mahirap ang mga pingdadaanan mo ngayon kapit ka lang kay LORD”


 “Mahal ka namin! Pakatatag ka po madam, andito kami for you” 


“Always praying for your complete healing Ms. Kris, may God protect and keep you all safe always.”