Isa si Janine Gutierrez sa mga artista na nagpakita ng pag aalala sa nangyayari ngayon sa gitna ng tumataas na kaso ng nakakahawang sakit sa...
Isa si Janine Gutierrez sa mga artista na nagpakita ng pag aalala sa nangyayari ngayon sa gitna ng tumataas na kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa kanyang tweet, tinawag ni Janine na “walang malasakit” ang mga nakaupo sa gobyerno dahil sa nangyayari ngayon.
Ayon sa kanya ay napakatagal ng nagdudusa ng mga Pilipino kaya’t hindi niya maatim na hanggang ngayon ay kailangan parin nilang magtiis.
“Napaka-walang malasakit naman. isang taon nang nagtitiis ang mga Pilipino, imbis na magbigay ng solusyon, ang maipapayo mo ay mag-tiis parin at wag magreklamo? hanggang kelan? masunurin at maintindihin ang Pinoy, kung meron lang sanang matinong maaasahan,” ani Janine.
napaka-walang malasakit naman. isang taon nang nagtitiis ang mga Pilipino, imbis na magbigay ng solusyon, ang maipapayo mo ay mag-tiis parin at wag magreklamo? hanggang kelan? masunurin at maintindihin ang Pinoy, kung meron lang sanang matinong maaasahan.
— JANINE ✨ (@janinegutierrez) March 23, 2021
Matatandaan na sinabi ng gobyerno na banko ang may hawak ng pera na inutang nila pambayad sa bakuna kaya dapat hindi mag alala ang mga tao.
“Yung pera na bilyon na bilyon na ibinigay nila sa Kongreso akala nandiyan na sa kamay natin, that it’s cold cash. Sinasabi na natin time and again that the money is with the lending bank… still. So we have not used a single centavo,” ani Pangulong Rodrigo Duterte sa nakaraang pagpupulong.
“About the vaccines that we are going to buy, well donated ito lahat sa ngayon…Ngayon itong darating, darating na ‘yung babayaran natin. Doon pa dapat sila magtanong kung nasaan na ‘yung pera,” dagdag sabi nito
Marami sa mga netizens naman ang bumabatikos sa inihayag ng aktres laban sa gobyerno. Ilan sa mga netizens ay umangal sa sinabi ng aktres na walang malasakit ang gobyerno dahil may ginagawa naman ito.
Reaksyon ng Netizens:
Anong masasabi mo kaugnay sa isyung ito? Huwag mag atubiling magbigay ng komento.