Sa hirap ng buhay ngayon ay talagang kailangan nating magsumikap upang masuportahan natin ang ating sarili at ang pamilya sa mga pang ara...
Sa hirap ng buhay ngayon ay talagang kailangan nating magsumikap upang masuportahan natin ang ating sarili at ang pamilya sa mga pang araw-araw na pangangailangan.
Sadyang may mga manggagawang kumakayod hindi lamang para sa sarili kundi para sa kanilang pamilya.
Maraming silang tinitiis sa kanilang sarili gaya na lamang ng pagtitipid para mas malaki ang maiuuwi sa pamilya.
Kagaya ng isang security guard sa Malaysia na pumukaw sa damdamin ng maraming netizens dahil sa kanyang larawan.
Nakunan siya ng litrato habang kumakain ng kanyang baon. Ang nakatawag-pansin kasi ay ang laman nito na imbes masarap na ulam ay sibuyas at bawang ang pares sa kanin na may sabaw.
Ipinaliwanag ng netizen na siyang nag-post ng mga larawan na ang suweldo ng guard ay kagaya naman daw ng ibang manggagawa subalit mahal niya kasi ang pamilya niya kaya malaki ang tinitipid niya para mas malaki rin ang maipadadala nitong pera sa kanila.
Sa katunayan, gumagastos lamang siya nang hindi hihigit sa 100 Malaysian ringgit, katumbas ng Php 1,170 sa isang buwan dahil ang natitira niyang sahod ay ipinadadala niya na sa kanila.
Ang post na ito ay umani ng simpatiya mula sa mga PInoy netizens lalong lalo na sa mga nakare-relate dito.
Reaksyon ng Netizens:
Anong masasabi mo kaugnay nito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.