Kamakailan lamang ay kumalat sa social media ang hiwalayan nina Kiko Estrada at Devon Seron bilang magkasintahan. Matatandaan na tumagal n...
Kamakailan lamang ay kumalat sa social media ang hiwalayan nina Kiko Estrada at Devon Seron bilang magkasintahan. Matatandaan na tumagal ng dalawang taon ang relasyon ng dalawa.
Umugong ang chismis na hiwalayan matapos na mag-post si Devon ng cryptic message sa Instagram .
“I asked God for a sign but I witnessed it for myself,” saad ni Devon.
Kasabay nito ay nawala na ang mga photos na magkasama sina Kiko at Devon sa Instagram ng aktres. Nag-unfollow rin sila sa isa’t isa.
Si Heaven Peralejo ang nasasangkot ngayon sa hiwalayan ng dating magkasintahan. Si Heaven ang katambal ni Kiko sa teleseryeng Bagong Umaga.
Matapos madawit sa hiwalayang Devon Seron at Kiko Estrada, minabuti ni Heaven Peralejo na ihayag ang kanyang panig sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang statement sa kanyang social media account.
Kaya pala naging close sina Kiko at Heaven dahil sa kanilang trabaho,
“Siguro po no’ng last taping po namin, ang dami naming scenes together. I feel like nabigyan lang ‘yon ng another meaning. We were talking kasi kailangan namin ng chemistry for the show. Lahat ‘yon para sa trabaho lang,” paglilinaw ni Heaven.
Tinatawanan lamang umano ng aktres ang mga paratang na siya diumano ang naging dahilan ng hiwalayan nina Kiko at Devon.
Ayon kay Heaven ay naging malapit silang magkaibigan ng aktor dahil sa naturang serye. “Wala naman talaga, hindi totoo ‘yung issue. Nakakatawa lang siya pero nakaka-stress for me and for mom,” giit ng dalaga.
Sa ilang taong pamamalagi sa show business ay nasanay na rin si Heaven sa mga intriga.
“’Yung first time ko, sobra akong na-depress. Totoo po talaga ‘yon. Kasi siyempre at some point in your life, parang sobrang sakit naman ng mga sinasabi ng mga tao. Hindi naman talaga nila alam ‘yung totoo. Lahat na yata ng words na pwede mong ibigay, ibinigay nila sa akin. Natanggap ko lahat ‘yon. Ang sa akin lang, kaya ko siya talaga kung ako lang. Pero kapag nakikita ko ‘yung mom ko na nai-stress about it, and puwede ma-trigger ulit sa kanya ng cancer, doon ako sobrang nalulungkot, nagagalit, naiinis ako,” pagbabahagi ng aktres.
Nilinaw ni Heaven na magkatrabaho lamang sila ni Kiko at walang namamagitan sa kanila. Matapos siyang makatanggap ng mga hindi kaaya-ayang salita, minabuti niyang ilabas ang kanyang panig para matuldukan na ang isyu.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:
Associating me with actors I have scenes with can be easy. At the end of the day, we're nothing more than just co-actors working with each other.
I should not have been dragged into the personal issue between Devon Seron and Kiko Estrada. However, I will not stay silent about it especially after being harshly accused of something I didn't and would never do.
To set things straight, I am not in any way romantically associated with Kiko nor am I the reason behind their breakup.I know how painful the process of heartbreaks can be but this does not justify pinning the blame on others who are not even involved. Although, I do sincerely hope Kiko and Devon would heal from this.
Anyway, there are far more important issues that we should concern ourselves with. Stay safe everyone!