--> Christine Reyes, Ginulat ang mga Fans Matapos Ibulgar ang Bagay na Ito Tungkol sa kanyang mga Leading Man | ChikaTime

Christine Reyes, Ginulat ang mga Fans Matapos Ibulgar ang Bagay na Ito Tungkol sa kanyang mga Leading Man

  BALIK-telebisyon na si  Cristine Reyes via the teleserye na “Encounter” na remake ng isang 2018 Korean series hit na pinagbidahan nina Son...

 


BALIK-telebisyon na si  Cristine Reyes via the teleserye na “Encounter” na remake ng isang 2018 Korean series hit na pinagbidahan nina Song Hye Kyo and Park Bo Gum.

Ang naturang Koreanobela ay pinalabas sa Kapamilya Network noong 2019. At ang Pinoy adaptation na ito ng Viva Production ay hindi mapapanood sa ABS-CBN kundi sa TV5 and Cignal Entertainment.


Ang leading man ni Cristine
sa  nasabing serye ay bago . Kung dati sa Kapamilya network ay binibigyan si Cristine ng mga leading man na nauna sa kanya sa showbiz at mga big stars na rin pero sa “Encounter” ay mas bata ang kanyang leading man, si Diego Loyzaga.




Sa naging virtual press conference ng pagbibidahan niyang weekly series na Encounter kamakailan ay talagang ginulat ni Christine Reyes ang kanyang mga fans maging ang entertainment press sa kanyang sinabi na di nila inaasahan.

Inamin kasi ni Christine na brat at maldita siya noong araw. And that Diego Loyzaga, his leading man in the series, ang kauna-unahang screen partner umano niyang she was actually nice to. All the rest ay nakaranas umano ng kanyang pagmamaldita
.


 

“We first met sa engagement party ng Ate Ara Mina ko.  He was introduced to me by his mom, Teresa Loyzaga. I found him very charming. Tapos, heto, magkatrabaho na kami sa ‘Encounter’. He’s my first screen partner that I’m very nice to. Kasi sa iba, I’m very maldita,” saad ni Cristine.


 Ang pagbabago sa working attitude ni Cristine ay
naging kapuna-puna nga mas naging propesyonal ang aktres ngayon, as in nag-mellow sa pagiging pasaway.

‘Ika nga ng mga nakapaligid kay Cristine, mas matured na ito ngayon. May naghihinalang pinagbago raw ang aktres ng isang bagong pag-ibig pagkatapos ng ilang taon na rin na magkahiwalay sila ng asawang si Ali Kathibi.

Say ni Cristine, in love siya hindi sa tao kundi sa kanyang work at siyempre pa sa anak nila ni Ali.


Maging ang pagsagot niya sa mga tanong ay kalmado at hindi na sarcastic or unenthusiastic gaya nang sa ibang mga nakaraang press conferences niya.

“It comes with life...” paliwanag ni Cristine later on during the press con. “I used to be a brat. Now I think I’ve grown. I appreciate what I have right now, I’m grateful for what I have. So, I don’t want to put burden on anybody I’m working with.”