--> "Bakas Kita" ,Viral ang Isang Firewoman na Nakagawa ng Isang Magandang Awitin Habang Bumibiyahe | ChikaTime

"Bakas Kita" ,Viral ang Isang Firewoman na Nakagawa ng Isang Magandang Awitin Habang Bumibiyahe

  Kada taon sa buwan ng Marso ay ginugunita natin ang fire prevention month batay na rin sa Presidential Proclamation 115-A, series of 1966 ...

 

Kada taon sa buwan ng Marso ay ginugunita natin ang fire prevention month batay na rin sa Presidential Proclamation 115-A, series of 1966 ng dating Presidente Ferdinand Marcos. 

Isang napakalaking bagay na rin ang paglikha ng mga paalala at babala sa mga mamayan upang maiwasan ang mga hindi magandang pangyayari na sunog.

 


Naging laman sa social media ngayon  at napabilib ang mga netizen ang isang firewoman na nakalikha ng magandang awitin tungkol sa pag-iingat sa sunog habang siya ay nasa biyahe mula Maynila pabalik ng Quezon. 

Ibinahagi niya ang kanyang sariling kanta sa social media na humakot na rin ng maraming views. 


Gamit lamang nito ang ukelele ng kanyang kabanda, nakalikha siya ng makabuluhang awitin na magpapaalala sa publiko na katuwang natin ang mga bumbero na tulad nila upang mapalawak pa ang kaalaman ng bawat isa sa pag-iingat sa sunog. 



Sa tulong naman ng kanyang mga kabanda sa "Banahaw Band" ay nalapatan ng magandang melodiya ang kanta na ngayo'y ilalaban nila sa Regional Fire Safety music video contest.

ANG LUGAR KUNG SAAN KO SINIMULANG SULATIN ANG KANTANG "BAKAS KITA" SOMEWHERE NEAR MAKATI MEDICAL CENTERšŸ˜Š  ANG LAYO NG NARATING NG BAKAS DAHIL VERSE LANG ANG NASULAT KO AT NATAPOS KO S'YA AY SA SARIAYA NA, GAMIT ANG GITARA NG AKING KABANDAšŸ¤Ÿ ANG HIRAP MAGSULAT NA UKULELE ANG GAMIT, PERO S'YA ANG UNANG NAGBIGAY NG MELODIYA SA KANTANG SINULAT KOšŸ˜❤️ MARAMING SALAMAT SA AKING MGA KABANDA NA MAS NAGBIGAY BUHAY AT NAPAGANDA ANG AREGLO NG "BAKAS KITA" ❤️ kwento ng songwriter.

Marami naman sa mga netizens ang napareak at napabilib sa magandang lyrics ng kanta.

 

Anong masasabi mo kaugnay nito? Na inspired ka rin ba?