Sa vlog ng actress-TV host na si Toni Gonzaga kasama si Ivana Alawi na in-upload sa Youtube ay number one trending na ang video. Agad itong ...
Sa vlog ng actress-TV host na si Toni Gonzaga kasama si Ivana Alawi na in-upload sa Youtube ay number one trending na ang video.
Agad itong nag-boom sa Youtube matapos makita ng mga fans nina Ivana Alawi at Toni Gonzaga ang kanilang tambalan sa iisang vlog.
Sa video, natanong ni Toni ang isa sa hottest vloggers sa bansa ng mga personal questions at kabilang na dito kung kino-consider ba n’ya kung taga-showbiz o hindi ang isang lalaki bago s’ya pumayag na makipag-date dito.
Sagot n’ya, hindi naman daw s’ya tumitingin sa ganu’n dahil mas gusto n’ya daw na maging pribado ang kanyang relationship regardless kung taga-showbiz ba ang guy o hindi.
Maliban dito ay naitanong din ni Toni sa kanya ay ang kanyang worst date experience.
Binalikan ng actress-vlogger na si Ivana Alawi ang worst date experience n’ya kung saan ay napa-walk out s’ya dahil na-turn off siya ng sobra sa kanyang ka-date.
Dito ay may binulgar si Ivana Alawi na karanasan niya matapos kumain sa isang restaurant kasama ang isang actor, na kung saan ay na-off siya matapos magpakita ng masamang ugali ito.
Inilahad ni Ivana kung paano s’ya nag-walk out dahil na-turn off daw s’ya sa kanyang ka-date na hindi naman n’ya pinangalanan.
“May time kasi we’re eating in a restaurant, pinagsisigawan n’ya ‘yong waiter, pinagmumura n’ya,” saad ng aktres.
“Siguro he’s trying to impress me pero hindi n’ya alam sobrang na-turn off ako du’n the way he treated that waiter.
“Sabi ko, ‘Ay, kung ganyan s’ya magtrato sa waiter, ‘di ba, he can treat anyone else like that. He could treat me, he could treat my family [like that].’ Ang lala n’ya. Tapos ‘yong waiter umiiyak,” dagdad pa n’ya.
“Nag-walk out na ako tapos kinausap ko ‘yong waiter. Sabi ko, ‘Sorry ha. Sorry.’ Kasi ayaw kong nakakakita nang ganu’n.”
Agad namang na-curious si Toni dahil hindi nga pinangalanan ni Ivana kung sino ang tinutukoy ni Ivana kung sino ito.
“Artista ‘yan?” tanong nito kay Ivana.
Saglit na napangiti ang aktres bago nakasagot ng: “Thank you.”
“Feeling ko artista. Talaga, artista?” saad ni Toni
“Hindi ko alam,” natatawang tugon n’ya.
“Feeling ko artista ‘yon,” pahabol na komento pa ng TV host. “May celebrity palang ganu’n. Nakaka-turn off na naman. Saang restaurant ‘yon [nangyari]?
“Sa Las Flores [BGC, Taguig City]… Ayoko ng ganu’n talaga,” sagot ni Ivana.
Pag-uusisa pa ni Toni, “Nag-walk out ka talaga? Hindi ka na tinext?”
“Nag-text. Tumawag,” sagot naman ng aktres. “Hindi ko na inisa-isa na, ‘Bastos ka magtrato ng ibang tao…’ Tapos pag nagkikita kami parang, ‘Huh? Stranger? Ang sama ng ugali mo.’ Hindi na ako pinapansin.”
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo kaugnay nito?