--> Angel Locsin,Usap-usapan sa Social Media Matapos Sabihin Niya ito Kay Pres.Duterte na Hindi Inaasahan | ChikaTime

Angel Locsin,Usap-usapan sa Social Media Matapos Sabihin Niya ito Kay Pres.Duterte na Hindi Inaasahan

  Ang actress na si Angel Locsin ay isa sa mga kilalang kritiko ng administrasyong Duterte at naging taga suporta rin ito ng ABS-CBN sa gi...

 

Ang actress na si Angel Locsin ay isa sa mga kilalang kritiko ng administrasyong Duterte at naging taga suporta rin ito ng ABS-CBN sa gitna noon ng usap usapan na ipapasara ito ng gobyerno dahil sa mga diumano’y  1llegal na ginawa ng nasabing istasyon.



 

Matatandaan kamakailan na itong si Angel Locsin ay naging laman din ng mga pahayagan nang madawit ang pangalan ng kanyang kapatid bilang isa diumano sa mga miyembro ng NPA.



 

Ngayon naman ay muling usap-usapan ang aktres dahil sa ginawa niyang pagkontrang ito sa pangulo.


 

Talagang hindi na naitago ni Angel Locsin ang kanyang saloobin kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos sabihin ng pangulo na maliit na bagay lamang ang kumakalat na sakit ngayon sa bansa.


Makikita natin sa Instagram story ng aktres na pinuna nito  ang sinabi ng Pangulo sa kanyang mga kababayan na kailangang hindi sila matakot dahil maliit na bagay lamang ang kinakaharap ng bansa ngayon.


“Do not despair. Kaya natin ito C0VID na ito. Maliit na bagay ito sa buhay natin. Marami tayong dinaanan
mas ano, mas grabe, mas mahirap, mas magluluha kayo… Lahat kayo ‘wag kayong matakot,”
ani Pangulong Duterte.





At dahil sa sinabing ito ng pangulo ay hindi sang-ayon ang aktres na si Angel at sinabi na malaking bagay daw ang problema ngayon ng bansa.

Ayon kay Angel ay malaki ang problema ngayon ng bansa kasama na rito ang lumulobong utang ng gobyerno at pati narin ang mga human rights cases.

“Maliit na bagay? Baka po sa inyo, Sir. Para sa amin po kasi malaki. Malaking utang. Malaking taas ng cases. Malaking human rights violations,”
saad ng aktres na si
Angel.



 
Reaksyon ng ilang Netizens:
 





 


Anong masasabi mo kaugnay sa sinabing ito ng aktres? Huwag mag atubiling mag iwan ng komento.