Inamin ng premyadong aktor na si Albert Martinez na naisip na niyang magretiro sa showbiz at iwanan ang pag-arte dahil sa nararanasang ...
Inamin ng premyadong aktor na si Albert Martinez na naisip na niyang magretiro sa showbiz at iwanan ang pag-arte dahil sa nararanasang pandemic sa bansa na dala ng COVID-19 health crisis.
Ito ang kanyang inamin kamakailan sa storycon ng pelikulang The Housemaid, isang South Korean iconic film, na gagawan ng Pinoy adaptation ng Viva Films.
Pagtatapat ng aktor,
“Actually, nung nag-start itong lockdown at nagkaroon tayo ng pandemic ang iniisip ko muna is papaano kaya tayo makaka-recover? Kasi nga yung theaters wala nang pupunta, kasi nga takot ang mga taong manood ng sine. Tapos papaano yung mga eksena ninyo na medyo intimate, so hindi ko talaga ma-comprehend papaano tayo makakabalik sa ganitong situation.
“It took me to a point wherein I was telling my manager (Shirley Kuan) na baka it’s time for me to retire, kasi parang iba na yung timpla nung industry and hindi ko makita yung how it will recover.”
Ngayon naman ay nagbabalik-Kapuso na ang batikang aktor na si Albert Martinez at marami sa kanyang tagahanga na ang nag-aabang na mapanuod siya sa upcoming afternoon drama series na “Las Hermanas.”
Nakapanayam muna ang aktor ni Pia Arcangel sa Tunay na Buhay bago sumabak si Albert sa lock-in taping para sa nasabing show,
Dito ay ibinahagi ni Albert ang kuwento sa likod ng kanyang “change of heart” sa balak niya noong pagre-retiro mula sa showbiz.
Sinabi ni Albert Martinez na naisip na niyang huwag nang bumalik sa showbiz noong kasagsagan ng pandemya.
“It crossed my mind kasi nga three months akong nasa bahay lang, I was with my dad and ‘yung anak ko.
Napag-isipan ko rin na enjoy ko yata yung ganitong buhay, I was telling my manager, maybe this is the right time for me to retire, because I’ve accomplished what I wanted, mga goals ko nakuha ko na rin.
And I want to start something different outside show business. But sabi niya sa akin, ‘Hindi pa time to retire as long as there is the offer and demand, you’re there,’” saad ng aktor.