--> Aktor na si Marvin Agustin, Sari-Saring Batikos ang Natanggap mula sa Netizens Matapos Ihayag niya Ito sa Social Media | ChikaTime

Aktor na si Marvin Agustin, Sari-Saring Batikos ang Natanggap mula sa Netizens Matapos Ihayag niya Ito sa Social Media

  Hanggang ngayon ay ating nilalabanan ang paglaganap ng Covid-19 sa ating bansa. Kaya naman ay nagsimula nang ipatupad ang metrowide unifor...

 


Hanggang ngayon ay ating nilalabanan ang paglaganap ng Covid-19 sa ating bansa.

Kaya naman ay nagsimula nang ipatupad ang metrowide uniform curfew na napagkasunduan ng lahat ng mayors sa Metro Manila.


Ito ay isang hakbang para makontrol ang pagdami ng kaso ng Covid-19 sa bansa.

Kung may mga netizen ang pabor sa ginawang ito ay tila mas marami naman ang umalma sa curfew na ipinatutupad ng Metro Manila Development Authority lalo pa’t maraming negosyo ang apektado nito.

Kung ating susuriin ay talagang maraming negosyo ang bumagsak dahil sa pandemyang ito. Marami pa rin ang hindi nakakabangon hanggang ngayon.



Dagdag pa rito, sabay naman ng pagpapatupad ng localized lockdowns sa ilang parte ng Metro Manila, nag-impose na rin ng liquor ban sa mga nabanggit na lugar.

Dahil sa ginawang ito ay marami sa mga negosyante o mga netizens ang hindi pabor sa ginawang ito.

Maging ang aktor na si Marvin Agustin ay hindi pabor sa ginawang ito.Kinuwestiyon ng dating aktor at ngayo’y negosyante na si Marvin Agustin ang ipinapatupad na curfew ng gobyerno.

Makikita sa kanyang social media post na pumalag si Marvin na may ari ng ilang restaurant sa Pilipinas kung bakit kailangang ipatupad ng gobyerno ang curfew sa gitna ng tumataas na kaso ng nakakahawang sakit sa Pilipinas.

Tanong ni Marvin, may oras ba ang pag gala ng virus at kailangang ipagbawal ang paglabas ng mga tao kapag gabi.

 




 

“Nalilito ako, may curfew sa gabi para daw makaiwas sa COVI9, pero sa umaga ang daming tao sa labas. Ano ba ang virus nightshift?” tanong ni Marvin.



Ilan sa mga netizens ay nagpaliwanag kung bakit kinakailangang gawin ng gobyerno ang nasabing polisiya.

I think to minimize lang the risk. Minimize the possible exposure. Since kapag gabi it is better to stay at home if wala namang work. Isa pa, usually yung mga lumalabas kapag gabi, hangout/night out lang naman reason (except for those who work),” 


“To lessen the needed frontliners na magbabantay at night, makapagpahinga naman sila. And avoid NON-essential activities like partying, get-togethers after hours. Isip2 din tayo, sana po para di lang MEMA,”

“Para yan hindi kayo pumunta sa night clubs, drinking session, at kung ano ano pang aktibidades na hindi WORK OR TRABAHO,”

Ipinapatupad ngayon ang common curfew mula 10 p.m hanggang 5 a.m sa loob ng dalawang linggo.

Gayun paman ay exempted sa nasabing patakaran ang mga nagta-trabaho ng nightshift.

Dahil sa post na ito ng aktor ay sari-saring komento ang inihayag ng mga Netizens:

 

Reaksyon ng ilang Netizens:










 

 Ikaw,anong masasabi mo kaugnay sa isyung ito? Huwag lamang mag atubiling mag-iwan ng komento.