Madalas nating mapapanood sa mga teleserye ang kuwento ng pag-aagawan sa pag-ibig.Talagang napakasak1t tanggapin ang mga pangyayaring gani...
Madalas nating mapapanood sa mga teleserye ang kuwento ng pag-aagawan sa pag-ibig.Talagang napakasak1t tanggapin ang mga pangyayaring ganito sa totoong buhay na marahil ang karibal mo ay iyong kaibigan o kapatid.
Gaya na lamang sa pangyayaring ito sa totoong buhay na ibinahagi ng netizen.
Talaga nga namang isang kakaibang kwento ang agad nag viral at usap-usapan sa social media. Ito ay tungkol sa magkapatid na babae mula sa Mindanao na iisa ang Lalaking tinitibok at iniibig ng kanilang mga puso. Talaga nga namang ginulat ng mga ito ang netizen matapos matunghayan ang kanilang kuwento.
Ang kakaibang kuwento na ito ay itinampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho, isang TV News broadcast ng Kapuso Network.
Ang magkpatid na ito ay kinilalang sina Julieta at Juliet. Ang bunsong kapatid ni Julieta na si Juliet ay umiibig rin sa asawa nitong si Mang Danny.
Ayon kay Julieta na matagal na niyang napapansin ang minsa’y malagkit na titigan ng kanyang asawa at ng bunsong kapatid niya.Kwento niya ay hinayaan niya lang ito hanggang sa dumating ang punto na nahuli niya sa akto ang ginagawang kataks1lan ng dalawa.
“Noon pa man, may napapansin akong kakaiba. ‘Yung titigan nila, parang may something! Pero binalewala ko. Hanggang sa nahuli ko na sila,” saad ni Julieta sa panayam nito sa KMJS
“Nahuli ko sa akto ‘yung mister ko at ‘yung bunsong kapatid ko na may ginagawang milagro!”
Ngunit dahil mahal niya ang asawa niyang si Danny at ang kapatid na si Juliet, nagawa niyang magsakripisyo at pumayag na magsama sila sa isang bubong.
“Close kami ng kapatid ko tapos ganoon pa nangyari. Sa una, masakit. Pero kinailangan kong magsakripisyo. Kaya ako, ‘yung mga anak namin ni Danny, ‘yung kapatid ko at ang lima niyang anak kay Danny, nakatira kaming lahat sa iisang bubong!”
Ayon naman ni Juliet ang kapatid ni Julieta na tumaks1l ay minsan ay habang pumapasok sa trabaho ang Ate niya, sila ni Mang Danny ang naiiwan sa bahay at magkatulong sa pagbabalat ng mga mais.
“Minsan, kami ni Danny, maiiwan kami na kaming dalawa lang sa pagbabalat at pagpa-pack ng mais. Na-feel ko na parang ang sweet niya sa akin.”
Saad pa ni Juliet ay naramdaman din niya ang kakaibang pakikitungo sa kanya ng kanyang bayaw na naging sanhi kung bakit nahulog din ang loob niya at kalaunan ay nagkaroon ng relasyon.
“Hanggang nahulog akong tuluyan kay Danny. Siyempre, mahal ko ang Ate ko. Pero mahal ko rin si Danny. Okay lang sa akin na may kahati ako.”
Ayon naman kay mister na si Mang Danny ay nahirapan umano siyang pumili kung sino sa dalawa ang iibigin niya. Aminadong nakokonsensya siya naging kahinatnan ng kanilang pag-iibigan.
“Nakonsensya at nahiya ako sa ginawa ko. Pero mahirap kung pipili. Mahal ko sila pareho.”
Dito rin ay napag-alaman na maraming anak si Mang Danny. May 6 na anak si Mang Danny kay Juliet at Mag aanim na rin ang anak nila kay Julieta.
Dahil sa kakaibang kwento na ito ay maraming netizen ang nagulat at nagbigay ng kanilang komento tungkol sa sitwasyong ganito.
Reaksyon ng ilang Netizens:
Panoorin ang video na ito:
Anong masasabi mo kaugnay nito?