Marami sa mga viewers ang nalungkot nang malaman na aalis na sa FPJ's Ang Probinsyano ang leading lady ni Coco Martin na si Yassi Press...
Marami sa mga viewers ang nalungkot nang malaman na aalis na sa FPJ's Ang Probinsyano ang leading lady ni Coco Martin na si Yassi Pressman.
Tiyak na mami-miss ng Kapamilya viewers ang karakter ni Yassi Pressman sa FPJ's Ang Probinsyano.
Makalipas ang apat na taon, magpapaalam na si Yassi sa longest-running primetime series ng ABS-CBN.
Matatandaan na noong August 2016 nang bigyang-buhay ni Yassi ang karakter ni Alyana Arevalo, ang TV news reporter na nakarelasyon at naging asawa ni Cardo Dalisay, ang lead character ng Ang Probinsyano na ginagampanan ni Coco Martin.
Gabi-gabing napapanood si Yassi sa Ang Probinsyano kaya nasanay na ang televiewers na makita ito at siguradong mamimiss nila ang presence ng aktres.
Ayon sa naging ulat ay aalis si Yassi Pressman dahil ito ay may mga project na gagawin para sa kanyang home studio, ang Viva Films, sa 2021.
Sa pag-alis naman ni Yassi sa Ang Probinsyano, ang Darna star na si Jane de Leon ang bagong cast member at posibleng maging love interest ni Coco Martin.
Gagampanan ni Jane sa Ang Probinsyano, ang role ni Police Captain Natalia Mante.
"Bagong leading lady ni Coco" ang introduction kay Jane ni Kim Chiu sa pre-show interview ng Christmas special ng ABS-CBN noong Linggo, December 20, 2020.
Masaya siya sa hindi inaasahang pagiging cast member niya ng Ang Probinsyano ang reaksiyon ni Jane dahil kahit sino, gugustuhin umanong maging bahagi ng five-year-old drama action series ni Coco.
Anong masasabi mo kaugnay nito? Isa ka ba na mamimiss ang karakter ni Yassi Pressman bilang si Alyana?