--> Viral Video: Hipon Girl at Miss Manila, Mas Lalong Nagkainitan! Ganito pala Talaga Siya! | ChikaTime

Viral Video: Hipon Girl at Miss Manila, Mas Lalong Nagkainitan! Ganito pala Talaga Siya!

  Agaw pansin  ngayon sa social media sina Miss Manila Alexandra Abdon at ‘Sexy Hipon’ Herlene. Matatandaan natin kamakailan ay ibinahagi ni...

 

Agaw pansin  ngayon sa social media sina Miss Manila Alexandra Abdon at ‘Sexy Hipon’ Herlene. Matatandaan natin kamakailan ay ibinahagi ni Hipon Girl kay Kuya Wil na nasaktan siya sa mga sinabi sa kanya ni Miss Manila noong event nila sa Frontrow.













Ngayon ay mas lalong nagkainitan sina Miss Manila Alexandra Abdon at ‘Sexy Hipon’ Herlene nang magkaharap sila sa wakas sa programa ni Kuya Wil na Wowowin, Tutok to Win.

Pumunta si Alexandra upang personal na humingi ng dispensa dahil hindi siya nakapunta matapos niyang tanggapin ang paanyaya ni Willie Revillame.


Makikita ang tila pagdaramdam pa rin ni Harlene sa sinabi ni Alexandra tungkol sa umano'y pagiging iskwater niya. 


Sinubukan naman ni Alexandra na ipaliwanag ang kanyang panig at wala umano syang naaalalang sinabi niyang masama tungkol kay Harlene. 


Dito ay tuloy-tuloy ang kanilang mainit na sagutan hanggang sa nagsalita na rin at namagitan si Michelle Gumabao na isa din sa mga kalahok ng Miss Universe 2020. Si Michelle ang tinanghal na 2nd runner up sa MUPH na ginanap nito lamang nakaraang October 25, 2020. 

 

Dahil sa pangyayaring ito ay maging ang founder ng Frontrow na si RS Francisco at inudyukan ang dalawa na magbati na lamang dahil pasko naman.

 Sa huli, nagkamayan ang dalawa upang ipakitang nagkaayos na sila.

 

 

 

Panoorin ang video:


 

 

Anong masasabi mo kaugnay nito?