--> Viral Video: Aiko Melendez, Hindi Nagustuhan at Nagalit Kay Ogie Diaz sa Kanyang Interview Dahil sa Mga SInabi nito | ChikaTime

Viral Video: Aiko Melendez, Hindi Nagustuhan at Nagalit Kay Ogie Diaz sa Kanyang Interview Dahil sa Mga SInabi nito

Nag viral ngayon ang pinaka bagong upload na video ni Ogie Diaz sa kanyang youtube channel kung saan ay nagkaroon siya ng interview kay Ms. ...


Nag viral ngayon ang pinaka bagong upload na video ni Ogie Diaz sa kanyang youtube channel kung saan ay nagkaroon siya ng interview kay Ms. Aiko Melendez at sa kasintahan nitong si Zambales Vice Governor Jay Konghun.



 

Sa nasabing vlog ay dito ay makikitang tila hindi nagustuhan ni Aiko at nagalit ito kay Ogie Diaz.





Ang kanilang pag-uusap ay  tungkol sa kanilang relasyon at kung paano nila sinusulusyunan ang kanilang mga problema.Parehong ibinahagi ng magkasintahan kay Ogie Diaz ang maraming bagay.


  "Depende mother kung anong pinagawayan namin kasi meron kaming mga times na may away kaming malalim, may times na may away kami na hindi ganun kalalim. Depende kung anong klaseng away" saad ni Aiko


 "Minsan pag nare-realize din natin kung sino yung may mas mali. So syempre kung sino yung may mas mali sya dapat yung mag sorry kasi nature namin parehas na may opinyon

 kami sa bagay bagay kasi dun nagkakaproblema" pagbahagi rin si Jay ng kanyang sagot

Sinabi naman ng kapuso actress na ibinabahagi lamang niya nag kanyang problema sa relasyon sa kanyang malalapit na kaibigan.


 

Kung kayat nagulat si Ogie ng malamang nagbabahagi si Jay ng kanyang problema sa relasyon sa ibang babae.


Maya-maya ay naglabas ng mga nakakaintrigang tanong ang talent manager na si Ogie sa Gobernador.

 


"Is there a time na meron kang babaeng nasabihan tungkol sa inyo ni Aiko?"

"Kaibigan lang? walang nangyaring pisikal?"
Tanong pa ni Ogie.

Sa puntong ito tila ba hindi na natutuwa si Aiko sa mga tanong ng talent manager.


 "Mother, bakit mo kinakargahan si Jay? Nakakahiya dito sa youtube channel mo. Napapahiya yung tao. Napapahiya din ako. Kaibigan mo ako dapat pinoprotektahan mo ako dito. Ano ba naman 'to mother? Vlog mo to dapat protektahan moko. Nakakahiya maghihiwalay kami ng tao sa vlog mo".

 
Matapos nito ay tumayo si Aiko sa kanyang kinauupuan at nag walk-out.


Panoorin ang video:


 

Ano naman ang masasabi mo kaugnay nito?