Marami na ang nagkalat sa social media kaugnay sa mga kwento patungkol sa mga magulang na ang tingin sa mga ninong at ninang ng kanilang a...
Marami na ang nagkalat sa social media kaugnay sa mga kwento patungkol sa mga magulang na ang tingin sa mga ninong at ninang ng kanilang anak ay taga bigay ng regalo o pera lalo na kapag darating ang kapaskuhan o kaarawan ng kanilang anak.
Talaga namang nakakapang-init ng ulo kapag mayroon tayong nababalitaang magulang na nanghihingi at sila pa ang demanding sa matatanggap na regalo o pera ng kanilang anak.
PHOTO FOR DEPICTION USE ONLY |
Ngayon naman ay isang kwento ang tiyak na magpapainit ang inyong ulo sa ginawang ito ng nanay.
Ang kwento na ito ay patungkol sa isang magulang na naghahanap ng mayamang ninong/ninang ng kanyang anak.
Isang netizen ang hindi makatiis na hindi ibahagi sa social media ang kanyang karanasang ito. Sa Facebook post ng netizen na kinilalang si Kath,dito ay ibinahagi ang usapan nila ng babaeng kukunin raw sana siyang ninang ngunit nagbago ang isip nito dahil ‘service crew lamang’ daw ang trabaho ni Kath.
Dito ay ibinahagi ng netizen ang lahat ng screen shots niya na tila minamali1t siya ng magulang ng bata.
Ating mababasa ang tila bast0s na pangmamaliit ng nanay sa kanya dahil sa isa lamang pala umano itong service crew.
Ayon sa nanay, akala niya ay sa office natatrabaho si Kath kaya gusto raw niya itong kunin na ninang ng kanyang anak, pero noong malaman niyang sa restaurant nagtatrabaho si Kath ay nagbago ang kanyang isip.
“Pinagiisipan k pa naman n kunin kang ninang kasi akala ko maganda trabaho mo jan s abroad malaki sahod pero hindi pala,”
“Kulang pa sayo sahod mo at hindi ka makapagpakimkim sa anak ko,” dagdag ng nanay.
“D kasi ako kumukuha ng ninang na di maganda ang work para kapag may need anak ko madali lang sila makakapagbigay,” sabi ng nanay.
Sinupalpal naman ang nanay ng netizen na nagmali1t sa kanya.
“Ginawa mo pang business yang anak mo. Kawawa sayo. Di ka sana nag-anak kung iaasa mo lang sa mga ninang/ninong ang pangangailangan ng anak mo,” saad ni Kath.
Reaksyon ng ilang Netizen:
AYAW KAY NINANG NA CREW.jpeg
Di ako mahilig magpost ng mga ganito, pero ang funny lang kasi kung paano ka mang-degrade knowing na UMAASA ka lang naman sa maibibigay ng mga future godmother/father ng anak mo. Kawawa sayo š
P.S Ayaw rin kitang maging kumare š
kasi wala kang pera š
Basahin ang Post:
Ikaw, ano naman ang masasabi mo sa ugaling ipinakita ng nanay?