Kamakailan ang nag viral ang kumakalat na larawan ng isang delivery boy na pinaghihinalaang nagkakalat ng umano ng sakit o vîrus sa pama...
Kamakailan ang nag viral ang kumakalat na larawan ng isang delivery boy na pinaghihinalaang nagkakalat ng umano ng sakit o vîrus sa pamamagitan ng pagdila o pagdura nito sa delivery item.
Talaga nga namang maraming netizens ang nagulat at nagalit
ng makita ang mga larawan ng delivery boy na ito. Sino nga ba naman ang hindi magagalit kung talaga ngang nagkalat ito ng virus sa mga delivery item?
Dahil sa kumalat na ito hanggang sa nag viral ang mga larawan ng delivery boy sa social media ay dito napansin ng delivery boy ang kanyang mga larawan na ipinagkakalat.
At dahil dito ay nagsalita ang nasabing delivery boy.Sa kanyang Facebook post ay nagpaliwang ang delivery boy na kinilalang si Justine Rainer Israel patungkol sa kumakalat niyang larawan.
Sa kanyang post ay inamin niyang idinikit niya sa kanyang mukha ang delivery item ngunit hindi niya ito dinilaan o dinuraan. Ginawa niya ito upang takpan ang kanyang mukha sa init ng araw dahil sa tagal nitong paghihintay sa customer.
Kwento nito na mahigit 30mins raw niyang hinihintay ang taong nag-order sa idedeliver niyang item. At dahil sa sobrang tagal ay umupo siya at ginamit niya ang delivery item na panangga sa init ng araw.
“hawak ko ang item nyo tinaklob ko sa muka ko para masangga ang init na kinakaharap ko para sa inyo mga buyer na sobrang tagal lumabas ng bahay,” sabi ni Justine.
Dagdag pa niya, hindi raw siya baliw para gawin ang ibinibintang sa kanya.
“PORKET BA WALA KAMING PERA KAYO MAYAMAN GENYAN GAGAWIN NYO SA TULAD NAMIN NAG HAHANAP BUHAY.” dagdag sabi
Bsahin ang kanyang buong post:
“Ako po yun nasa pic, dinikit ko muka ko oo pero hindi ko
naman dinilaan o dinur@an yang item o parcel nyo porket mayaman kayo mahirap
kami genyan gagayin nyo post nyo kami may makita kayo kala nyo mali mahigit 20
to 30 mins ako nag aantay sa gate nyo sa ayala alabang sa gitna ng init umupo
ako dahil nakakapang hina mag antay sainyong mayayaman para lang madeliver ang
item nyo pero bat genyan kayo mapang husga HINDI PA NAMAN PO ATA AKO BALIW PARA
GAWIN KO YAN OO NAG TATRABAHO AKO PARA MAKAKAIN NAG TITIIS SA INITAN NAG TITIIS
MAGUTOM MA DELIVER LANG ANG ITEM NA KELANGAN NYO DIBAA PORKET BA WALA KAMING
PERA KAYO MAYAMAN GENYAN GAGAWIN NYO SA TULAD NAMIN NAG HAHANAP BUHAY. hawak ko
ang item nyo tinaklob ko sa muka ko para masangga ang init na kinakaharap ko para
sa inyo mga buyer na sobrang tagal lumabas ng bahay. godbless nalang po sainyo
kung saan kayo masaya sanaaa hanggang buhay kayo maging masaya”
Ano naman ang masasabi mo kaugnay sa isyung ito? Huwag mag atubiling mag iwan ng komento.