--> Trending Video: Atty. Randolf Libayan, May Inamin Tungkol sa Naging Kontrobersya na Singsing ni Jessy Mendiola | ChikaTime

Trending Video: Atty. Randolf Libayan, May Inamin Tungkol sa Naging Kontrobersya na Singsing ni Jessy Mendiola

 Kamakailan ay naging viral ang engagement nina Jessy Mendiola at si Luis Manzano na nasangkot sa isang magkakasunod na kontrobersya. Ang na...


 Kamakailan ay naging viral ang engagement nina Jessy Mendiola at si Luis Manzano na nasangkot sa isang magkakasunod na kontrobersya.

Ang nasabing kontrobersya ay nagsimula matapos ang Radiant Lux Jewelry, isang tindahan ng alahas, naglabas ng isang pahayag na sinasabing sina Jessy at Luis ay nabigong magbigay ng tamang credits hinggil sa singsing.


Kasunod sa mga kumakalat na isyu ay naglabas ng 20 minutong pag-vlog sa channel ng aktres na si Jessy na tinutugunan ang kontrobersiya ng kanyang singsing.

 



Ang nasabing video ay kalaunan ay binigyan pansin ni Atty. Randolf Libayan ng BATASnatin upang ibahagi ang kanyang pananaw hinggil sa bagay na ito.

Ayon kay Atty. Libayan, walang sinuman ang obligadong magbigay ng kredito sa isang tao, tatak, o kumpanya sa pagkakamit ng mga serbisyo o sa pagbili ng isang produkto.



 



"If you avail of a service, or if you buy food, or if you buy products from a person or from a company. Ikaw ba ay required to give credits? The simple answer is no."

"Bakit? Kasi nga 'no, you availed of a service, you bought a product with consideration. Ibig sabihin may pera kang binigay sa kanila."

"You don't have to give credits whatsoever and a particular brand or company or person na pipilitin ka na magbigay ng credit sa kanila dahil dun sa binili mo, hindi tama yun. That's unethical." saad nito

Sinabi naman ni Atty. Libayan na ang isang tao, tatak, o kumpanya ay dapat bigyan lamang kredito kung ito ay bahagi ng isang kasunduan o isang kontrata sa pagitan ng seller at ng buyer.



 

 

Panoorin ang video:

 

 

 Anong masasabi mo kaugnay sa mga sinabing ito ni Atty.Libayan?