--> Sobrang Selosa na LOLA, Usap-Usapan Ngayon sa Social Media Dahil Sa mga Paratang Niyang Ito | ChikaTime

Sobrang Selosa na LOLA, Usap-Usapan Ngayon sa Social Media Dahil Sa mga Paratang Niyang Ito

   Isang Misis ang dumulog sa Wanted sa Radyo ni Tulfo na si Erlinda Dumaguin at inirereklamo ang mister na si Efren Dumaguin na di umano...

 


 Isang Misis ang dumulog sa Wanted sa Radyo ni Tulfo na si Erlinda Dumaguin at inirereklamo ang mister na si Efren Dumaguin na di umano'y karelasyon ng kasambahay na kinilala naman sa pangalang si Pilar Bade.

Reklamo ni lola Erlinda ay madalas daw kasing pumupunta ang kanyang mister sa bahay ng kapatid nito para makipag-inoman. 

Doon din umano namamasukan bilang kasambahay si Pilar na siyang pinagseselosan ni Erlinda. 





 



Mas madalas pa raw kasi ang kanyang mister na nasa kapatid kung na saan ni Pilar. 

 



Ang mga akusasyong ito ay mariin na itinanggi ni Pilar at sinabing pumunta lamang si Efren sa kanila para sa ina nito na naroon din.


Ayon ng kasambahay ay ni hindi nga manlang daw sila nag-uusap nito. Maging ang mister ay matindi ang pagtanggi sa sinasabi ng kanyang misis na ubod lamang daw talaga ng pagkaselosa.


Dagdag Kwento naman ni Erlinda ay nakita umano niya ang cellphone number ni Pilar na nakasulat sa papel na nasa wallet ni Efren.

Iyon daw ang pinag-ugatan ng pagseselos nito. Itinanggi naman nina Efren at Pilar na nagkuhaan sila ng numero. 



Ayon pa kay Efren, maaring gawa-gawa lamang ito ni Pilar dahil noon pa man ay mapanggawa na raw talaga ito ng kwento. Aliw na aliw si Tulfo sa mag-asawa na kanya na lamang pinagkasundo.


Reaksyon ng mga Netizens:








 

Panoorin ang video na ito:

 

 

Ano naman ang masasabi mo kaugnay nito?