--> Walang Atrasan! Slapshock Bassist Lee Nadela, Sinupalpal ang Partner ni Jamir Garcia sa Ibinentang sa Kanila | ChikaTime

Walang Atrasan! Slapshock Bassist Lee Nadela, Sinupalpal ang Partner ni Jamir Garcia sa Ibinentang sa Kanila

Ika-26 ng Nobyembre nang matagpuang wala nang buhay si Jamir sa tahanan nito sa Quezon City. Napag-alaman na naisugod pa sa ospital ang boka...


Ika-26 ng Nobyembre nang matagpuang wala nang buhay si Jamir sa tahanan nito sa Quezon City. Napag-alaman na naisugod pa sa ospital ang bokalista ngunit, idineklara rin itong de@d on arrival.

Ilang araw lamang matapos pumanaw ni Jamir Garcia, ang frontman band na Slapshock ay naglabas ng saloobin ang kanyang partner na si Sojina Jaya Crisostomom sa isang Facebook live.




 

Emosyonal  at maluha-luhang nagkwento ang kanyang partner na si Sojina. Mabibigat ang inihayag na saloobin dito ni Jaya kung saan, tinukoy nito ang mga taong itinuturing daw na kapatid ni Jamir ngunit ginawan siya ng mga pekeng kwento. Hindi man direkta ang pagkasabi ay mayroon itong iniwang mga mat1nding mensahe sa mga kabanda umano ni Jamir.

 



Ayon sa naging pahayag ni Jaya ay kinimkim lamang umano ng partner niyang si Jamir ang lahat ng mga ibinato ritong paninira. Hindi raw ito nagsalita sa kabila ng mga ipinaparatang sa kanya dahil mas pinahalagahan ni Jamir ang samahan na mayroon sila ng mga taong ito.

Iginiit ni pa ni Jaya na lalabas din umano ang katotohanan.

 



Bago pumanaw ang bokalista ay nagkaroon ito ng isyu at ng kanyang mga kabanda na humantong pa nga sa pagsampa rito ng kaso ni Jerry Basco, ang gitarista ng banda.

Dahil sa ginawang facebook live ng partner ni Jamir na si Jaya ay naglabas din ng pahayag si Slapshock bassist Lee Nadela tungkol sa mga binitiwang pahayag ni Jaya laban sa kanila.

 






Ayon kay Nadela, maging sila ay nagulat at ipinagluluksa din ang pagpanaw ng kanilang kaibigan at kabanda.Ayon nito ay naging mabuting kaibigan si Jamir sa kanila sa loob ng 23 taon.

 Ngunit, handa raw silang sagutin ang mga paratang sa kanila ni Jaya na wala raw basehan dahil baka hindi raw talaga nito alam ang nangyari. 


Basahin ang naturang post na ito:

“I am deeply saddened over the tr@gedy that happened to my friend and bandmate Jamir Garcia. We may have had differences, pero mas mahaba at mas marami kaming mabuting pinagsamahan for 23 years. Mahal ko siya na parang kapatid at nalungkot ako na ito ang pinili niyang paraan.

“God knows wala sa isip ko na sa ganito hahantong ang lahat.

“Regarding Jaya’s Facebook video post yesterday, please don’t accuse me and Jerry Basco of wrongdoing, when we were just speaking out the truth and the injustice done to us.

 

“Huwag mo sanang gawing galit ang lungkot na nararamdaman nating lahat, at ipasa ang galit sa amin o maghanap ng sisisihin dahil wala naman talagang nakakaalam ng tunay na dahilan kung bakit nagawa ni Jamir yun.

“Jaya, ang mga binitiwan mong salita against us ay walang basehan, either tinatago mo ang katotohanan or wala kang alam at all sa nangyari sa band namin.

 


“We will answer all your baseless accusations and refute it with concrete evidence, na dapat sa korte ipepresenta. Kung sinasabi mong may evidence ka rin na hawak, sabay nating ilabas.

“Expect an answer from us. But for now, with all due respect to Jamir and family, we will mourn his passing.

“Rest in Peace, pare, Jamir.”

 

 

Basahin:

 

 

 

Anong masasabi mo kaugnay nito?