Sa panahon ngayon ay tila napauso na sa mga vlogger ngayon ang gumagawa ng isang prank. Talagang hindi tamang gumawa ng isang prank lalo na ...
Sa panahon ngayon ay tila napauso na sa mga vlogger ngayon ang gumagawa ng isang prank. Talagang hindi tamang gumawa ng isang prank lalo na kung malaki ang epekto nito sa taong iyong binib1ktima.
Gaya na lamang sa mga pangyayaring ito na naganap.
Isang restaurant ang nabiktima ng isang lalaki kung saan ay ito ay nag order ng maraming pagkain ngunit sa kasamaang palad nito ay isa pala itong prank lamang.
Kung kailan naluto at nai-deliver na ang pagkain ay saka nito sinabing i-cacancel na umano ang kayang ini-order.
Ibinahagi ng restaurant na 'Cha Cha Special Binalot sa Dahon' sa San pedro, Laguna ang nangyari sa pag-cancel ng isang vlogger sa order nito. Sinabi nitong mas gusto na daw nilang kainin ay pansit canton na lamang.
Ito ay matapos makatanggap ng order ang restaurant sa isang nagngangalang Reynan GaƱete. Umorder ng pagkain ang nasabing lalaki na nagkakahalaga ng Php.1,061. Ang pagkain ay para umano sa kanilang hapunan.
Sinabi pa nitong ihatid ang mga pagakain ng bandang 7 ng gabi hanggang 8 ng gabi.
Kahit umano pasara na ang kanilang tindahan ay hinabol nilang lutuain upang maideliver ito sa oras na hiniling ng naturang kostumer.
Bago pa man pumatak ang alas 7 ng gabi ay handa na umano ang order nito kung kaya't sinabi na nya si GaƱete na parating na ang mga inorder nito.
Ngunit sinabi nito bigla na ika-cancel na nya ang kanyang mga order ng walang pag aalinlangan. Dahil nagbago umano ang isip ng kanyang mga pinsan at pansit canton na lamang ang gusto nitong kainin.
"cancel na po!"
"magpancit canton nalang kami"
"next time nalang muna ha"
"e ayaw na po ng mga pinsan ko, canton nalang daw. pabago bago isip e"
"nextime nalang pass muna"
"paki sabi po sa rider na cancel na at magpancit canton nalang po kami"
Agad na ipaliwanag ng may-ari na papunta na ang rider ay nagpupumilit parin umano ito na icancel na ang kanyang order at parang wala syang pakialam sa mga na perwisyo niya sa kanyang ginawa lalo na ang taong naghirap para i-deliver ang kanyang order.
Ang matindi pa sa pangyayari rito ay mukhang mali pa ang address na binigay nito sa kanilang rider.
Sinabi ng may-ari na sana huwag nila itong ginawa ang panlolok0 dahil naghahanap-buhay lang sila.
Ang mga ito ay tila walang pakialam sa kanilang perwisyong dulot.Sumagot pa ito na tila pilosopo at sinabing sila rin daw ay naghahanapbuhay lang din.
"It's a prank! para po sa blog namin hehe"
"i-shout out ko kayo sa blog ko, thank you di kayo pikon"
"i-dinner nyo nalang po order ko"
Sa kabila ng pakiusap ng may-ari ay hindi arin binayaran ng naturang vlogger ang inorder nito at tila masaya pa ito sa kanayng nagawa.