Kamakailan lang ay naging isa sa trending topic ang naging asal ni Justin kay Jie-Ann nitong nakaraang linggo. Dahil sa ginawang tila pam-...
Kamakailan lang ay naging isa sa trending topic ang naging asal ni Justin kay Jie-Ann nitong nakaraang linggo.
Dahil sa ginawang tila pam-bubully ni Justin ay umani ng pambabatikos ito mula sa mga netizens.
Matapos ang pangyayaring ito ay humingi ng dispensa ang PBB Connect housemate na si Justin Dizon kaugnay sa kanyang mga inasal at sinabi sa kapwa housemate na si Jie-Ann Armero.
Naging mainit na usapin ang naging biro ni Justin kay Jie-Ann kaugnay sa hindi nito pagligo palagi.
Dito ay ikinuwento ni Jie-Ann na hindi siya nasanay sa paliligo palagi dahil sa mahirap ang supply ng tubig sa kanilang lugar sa probinsiya.
Humingi naman ng tawad si Justin Dizon sa mga nasabi kay Jie-An Armero.
"Yun nga I really lacked understanding also na we don't live in the same house... If ever you felt offended with those jokes I wanna say sorry for them kasi 'yun nga I forgot to realize iba tayo," pag-amin ni Justin.
"I wanna say sorry if 'yun nga for saying those jokes to you because, like, they are insensitive. Hindi ko naisip initially, your background and my background how different they are. So 'yun nga I try my best to be more sensitive on how you feel," dagdag pa niya.
Reaksyon ng Netizen:
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo kaugnay nito?