--> Ogie Diaz, Ginulat ang Marami Matapos Niyang Sabihin at Gawin Ito kay Nadine Lustre | ChikaTime

Ogie Diaz, Ginulat ang Marami Matapos Niyang Sabihin at Gawin Ito kay Nadine Lustre

       Naging laman ngayon sa social media ang malaking problema ni Nadine Lustre kaugnay sa paglabag ni Nadine sa VIVA. Maging ang talent m...


     


 Naging laman ngayon sa social media ang malaking problema ni Nadine Lustre kaugnay sa paglabag ni Nadine sa VIVA.

Maging ang talent manager na si Ogie Diaz ay nagbahagi ng kanyang pananaw hinggil sa pagsampa ng kaso ng VIVA Artists Agency laban sa aktres na si Nadine Lustre kaugnay sa paglabag umano nito sa kanyang pinirmahang kontrata.



 


Ayon sa kilalang talent manager, ang Viva o VAA ang nagbigay ng break kay Nadine Lustre. Ito ang nangalaga sa career ng aktres noong nagsisimula pa lamang ito.

Matapos niyang maisama sa isang pelikula ni Vice Ganda, ang pelikulang "Diary ng Pangit" ang naging unang pelikulang pinagbidahan niya kung saan naitambal siya kay James Reid.



 

Ayon pa kay Ogie ay Enero ng kasalukuyang taon ng isinapubliko ng kampo ni Nadine sa pamamagitan ng abogado nito na pwede nang tumanggap si Nadine ng proyekto at siya na mismo ang nagma-manage sa kanyang career.




 






 Dito din nila inilabas na wala nang karapatan ang Viva sa pagpapatakbo ng career ni Nadine.

Dagdag pa ni Ogie, naniniwala siyang nasa pag-uusap lang malulutas ang isyu. Kaya naman payo ni Ogie,


 “Nadine, pag-isipan mong mabuti. Kung ayaw mo na talaga, pumunta ka doon at mag-settle kayo"          

                                                                                                                                          

 Reaksyon ng Netizen:






 

Panoorin ang video: