Hindi lahat ng tao ay nabibiyaan ng matatangos na ilong kaya naman ang mga taong may sapat na pera na gustong tumangos ang kanilang ilong ...
Hindi lahat ng tao ay nabibiyaan ng matatangos na ilong kaya naman ang mga taong may sapat na pera na gustong tumangos ang kanilang ilong ay talagang pinapaayos nila ito.
Gaya na lamang ng isang babaeng ito na nagpaayos ng kanyang ilong ngunit sa halip na matuwa ay dismayado ito sa nangyari.
Isang 31 taong gulang na babae ang nagparetoke ng kanyang ilong at laking gulat nito na isang parte ng tainga nito ang nawala.
Ayon sa pasyenteng kinilalang si Zhao ay hindi niya raw niya alam at hindi rin ipinaalam sa kanya na ginamit pala ang parteng ito ng kanyang tainga sa pagsailalim niya sa rhinoplasty surgery o pagpapaayos ng ilong.
Ayon sa babae ay pangalawang beses na raw nitong sumailalim sa nose surgery.Limang taon ang nakakaraan ay sumailalim din siya sa nose surgery ngunit, sa pagkakataong ito lamang siya nagkaroon ng problema matapos madiskubre ang pagkawala ng kanyang ‘tragus’, isang maliit na bahagi ng tainga sa bandang bukana nito.
Ilang araw nang mapansin ang pagkawala ng naturang parte ng kanyang tainga ang laging gulat niya nito dahil wala siyang kaalam-alam kaugnay sa bagay na ito.
Dahil dito ay agad na nagreklamo si Zhao sa ospital na gumawa rito ng kanyang nose surgery. Ayon kay Zhao, hindi umano ipinaalam sa kanya ng ospital na ang bahaging ito ng tainga ang gagamitin sa operasyon at hindi ang sa likurang bahagi nito.
Agad itong nakipag-ugnayan sa nasabing ospital at nagpadala siya rito ng larawan ng kanyang tainga.
Ayon sa ospital, nagdesisyon daw ang mga ito na gamitin ang ‘tragus’ ng tainga ni Zho dahil maaari raw makaapekto sa pandinig nito kung ang likurang bahagi ng tainga ni Zhao ang kanilang gagamitin.
Kumunsulta sa ibang mga doktor ang pasynet upang kumpirmahin ang dahilan ng ospital na nagsagawa ng kanyang operasyon.
Ayon sa mga doktor na kinunsulta nito, normal lamang umano na gamitin sa nose surgery ang likurang bahagi ng tainga at wala naman umano itong masamang epekto sa pandinig gaya ng idinadahilan ng naturang ospital kay Zhao.
Dagdag pa ni Zhao, wala din umanong hininging pahintulot sa kanya ang ospital na ang naturang parte ng kanyang tainga ang kanilang gagamitin.
Kaya naman, humihingi ngayon si Zhao ng ‘full refund’ sa ibinayad nito para sa operasyon, ‘financial compensation’, at panibagong operasyon o plastic surgery para ayusin ang kanyang tainga. Ayon sa pasyente, dahil sa nangyari ay nahihiya na itong ipakita ang kanyang tainga sa publiko dahil sa laki ng epekto nito sa kanyang itsura.
Ngunit ang lahat na mga pangyayaring ito ay marring idiniin ng vice president ng naturang ospital na bago ang operasyon ay pumirma ng kasunduan ang pasyenteng si Zhao.
Ayon dito,sa naturang kasunduan, nakasaad na sa rhinoplasty surgery ay papayag ito na gamitin ang anumang bahagi ng kanyang tainga, o ang kanyang buong tainga.
Dahil dito kaya nanindigan ang hospital na wala silang kasalanan at hindi nila ibibigay ang mga gustong mangyari ni Zhao tulad ng hinihingi nitong ‘refund’ mula sa kanila.
Ano naman ang masasabi mo kaugnay nito?