Naging emosyonal ang staff ni Raffy Tulfo sa programa nitong 'Wanted sa Radyo' matapos na matanggap nila ang apela ng isang ama na...
Naging emosyonal ang staff ni Raffy Tulfo sa programa nitong 'Wanted sa Radyo' matapos na matanggap nila ang apela ng isang ama na hindi nakuha ang napanalunan sana nito na P100,000 sa 'Idol in Action.
Napag-alaman dito na kaya hindi nakuha ni Khalid Basirul ang perang napanalunan niya sana bilang tulong ni Tulfo ay dahil hindi siya nakatutok noon sa programa. Isa kasi ito sa mga patakaran na dapat ay nanonood ang mga nananalo.
Ngunit nang dahil sa tulong ng staff at co-host ni Tulfo na si Sharee Roman ay natulongan ang amang ito na mabigyan siya ng tulong mula kay Raffy Tulfo.
Napag-alaman kasi ni Sharee ang kalagayan ng anak ni Khalid kaya naman ay inilapit muli nila ito sa kanilang 'Idol Raffy' upang matulungan.
Dito ay nabanggit ni Khalid na mayroong stage 3 cancer na ang kanyang anak at nangangailangan ito ng agarang gamutan.
Dahil sa marami na ring nagmalasakit sa kanila, nakarating sila ng Maynila upang mas maayos na maipagamot ang kanyang anak.
Subalit nang makarating sa Maynila, napag-alaman nilang nagpositibo na rin sa COVID-19 ang baby.
Talagang doble h1rap ang kanilang dinaranas ngayon dahil na nga nag positibo sa COVID ang bata.
Labis namang nagpapasalamat ang tatay na si Khalid gayundin ang misis nitong si Rhizmalyn Basirul kay Tulfo dahil sa dinoble pa nito ang P100,000 na tulong nito sa kanilang pamilya.
Nagpasalamat din ang mag-asawa kay Sharee na naging daan upang matulungan sila.
Reaksyon ng Netizen:
Panoorin ang video:
Ano naman ang masasabi mo kaugnay nito?