Kilala si Raffy Tulfo sa pagiging batikang news anchor sa ating bansa. Siya ay nagbibigay ng agaran aksyon sa mga kababayan nating naaapi ...
Kilala si Raffy Tulfo sa pagiging batikang news anchor sa ating bansa. Siya ay nagbibigay ng agaran aksyon sa mga kababayan nating naaapi at nagsusumbong sa kanya.
Marami na rin siyang mga Pilipino na kapos-palad na nabigyan naman niya ng pangkabuhayan upang makapag simula ng bagong buhay.
Ngayon naman ay isang mister ang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo na kinilalang si Julito Laquio at inirereklamo nito ang kanyang misis na si Maricel Laquio na sumama na sa ibang lalaki.
Ang masakit sa pangyayari ay mismong ang pamangkin pa ni Julito na si Roberto ang itinanan ng kanyang misis.
Buntis na ngayon si Misis si Maricel at ang ama nito ay ang pamangkin ng kanyang mister. Hindi naman itinanggi ng dalawa ang kanilang relasyon lalo na at sila na ngayon ang nagsasama.
Ayon sa naging kwento ni misis ay natukso lamang umano siya dahil sa malambing ang pamangkin ng mister sa kanya. Madalas niya kasi itong nakakasama at nakikinig daw umano ito sa kanyang mga problema di tulad ng kanyang asawa.
Ganoon din naman ang pamangkin na si Roberto na aminadong natukso lamang at naawa sa misis ng kanyang tiyuhin.
Pinalayas daw umano kasi ito ngunit paglilinaw ng mister, pinalayas ang misis dahil nga sa kasalanang nagawa nito na pakiki-ap1d sa kanyang pamangkin.
Handa naman umanong ipaubaya ng mister ang kanyang asawa lalo na at dalawa sa kanilang mga anak ay nasa wastong pag-iisip na.
Subalit ang isa sa mga ito ay may special needs na ayaw na umanong ipakita pa ni Julito sa kanyang asawa.
Panoorin ang video:
Ano naman ang masasabi mo kaugnay nito?