Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang"Hari ng public service" sa pr...
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang"Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'. Talagang marami ng natulongan si Raffy Tulfo lalo na sa mga taong inaap1 o inagrabyad0.
Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Isa rin siyang kilalang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.3 million na ang kanyang subscribers.
Ngayon naman,isang lalaki ang dumulog kay Raffy Tulfo na kinilalang si Romulo Ocate matapos na maloko umano siya ni Nathaniel Verdejo na buong pag-aakala niya ay isang babae ang kanyang naging karelasyon.
Ayon kay Romulo ay nagkaroon sila ng relasyon matapos na magkakilala sa social media. "Nathalie" ang pakilala ni Nathaniel kay Romulo at hindi naman daw nito ni minsan nabanggit na isa pala siyang bakla o transgender.
Ang masaklap pa rito, ilang beses na nakapagbigay ng pera si Romulo kay "Nathalie" lalo na kung idinadahilan nito ay ang pagkakasakit ng kanyang magulang.

Ayon naman sa kwento ni Romulo ay minsan nang nagduda ito sa kasarian ni 'Nathalie', inisip pa rin niyang babae ito. Hindi raw kasi maayos ang pakikipag-video call nito sa kanya kaya hindi niya mapatunayan ang tunay na kasarian nito.
Ang lahat na mga sinabi ni Romulo ay itinatanggi naman ni Nathalie at sinabing nilinaw daw niya kay Romulo ang katotohanan na hindi siya totoong babae.
Ngunit mayroon daw mga screenshot ng mga conversation ang lalaki na nagpapatunay na hindi nito ipinaalam ang kanyang kasarian noong sila'y may relasyon pa.
Reaksyon ng Ilang Netizen:
Panoorin ang video:
Ano ang masasabi mo tungkol dito? Huwag mag-atubiling iwan ang iyong mga komento at reaksyon sa artikulong ito.