--> Lagot na! Kampo ni Maine Mendoza,Mag Dedemanda sa Sinumang Magpapakalat ng Video na Umanoy S*x Video ni Maine | ChikaTime

Lagot na! Kampo ni Maine Mendoza,Mag Dedemanda sa Sinumang Magpapakalat ng Video na Umanoy S*x Video ni Maine

   Ang management firm na humahawak sa karera ni Maine Mendoza ay naglabas ng isang pahayag hinggil sa isang nakakahamak na video na umikot ...

 

 Ang management firm na humahawak sa karera ni Maine Mendoza ay naglabas ng isang pahayag hinggil sa isang nakakahamak na video na umikot sa online, na naka-link kay Maine Mendoza.

 


Sa isang post sa Twitter, sinabi ng Triple A. na ang video ay "digitally manipulated" gamit ang deepfake na teknology. "

Ayon sa manager ni Maine na si Rams David, handa silang magdemanda lalo’t edited na ang naturang s*x video na kung saan ginamit ang tinatawag na deepfake technology.

Sinabi din niya na si Maine ay hindi kasangkot sa anumang naturang video. Ayon ng management ay maghahain sila ng reklamo at mapapanagot ang sinumang magpapakalat ng video.

 
"The public is warned not to post, share, or otherwise circulate the video. We will not hesitate to take appropriate legal action against any person circulating the same. We intend to hold those individuals criminally and civilly liable for the damage caused to Ms. Mendoza. We remind the public to be more discerning of the content they see online and to help us take down this voyeuristic and defamatory content."

Ayon naman kay Maine ay kinilabutan siya dahil sobrang kamukha raw niya ang babae pero giit na hindi siya ang nasa screenshot ng video na ngayon ay tila burado na.


“Wtf???? Sobrang kamukha ko kinilabutan ako pero hindi ako to!” sagot nito sa nagtanong na follower.

 

 





Narito ang naturang Post na ito:

 

 

 

Anong masasabi mo kaugnay nito?