--> I'ts Showtime Host, Ginulat ang Manonood sa Mga Salitang Binitawan na Nag-Uugnay Kay Direk Bobet Vidanes | ChikaTime

I'ts Showtime Host, Ginulat ang Manonood sa Mga Salitang Binitawan na Nag-Uugnay Kay Direk Bobet Vidanes

    Kamakailan lamang ay ibinunyag ni Cristy Fermin na kaya umalis sa programang It's Showtime ang Director na si Bobet Vidanes ay dahil...

 

 


Kamakailan lamang ay ibinunyag ni Cristy Fermin na kaya umalis sa programang It's Showtime ang Director na si Bobet Vidanes ay dahil lilipat ito sa Brightlight Production ang kabilang network, a blockertimer sa TV5.

Sadyang maraming mga tagasuporta  ng noontime show na ‘It’s Showtime’ ang hindi rin makapaniwala sa paglipat ni Direk Bobet maging ang mga host ng programang It's Showtime ay hindi inaasahan ang paglipat ng kanilang direktor sa loob ng 11 taon.



 

Talaga namang saksi ang mga tagapanood ng programa sa samahan na nabuo ng mga host pati na rin ng kanilang direktor na si Vidanes. Ilang beses inihayag ng mga ito na mananatili sila sa programa at ang tatag ng samahan na mayroon sila.

Kaya naman, hindi halos makapaniwala ang publiko sa desisyong ito ni Vidanes.

 


Ngayon naman ay muling napag-usapan ang direktor sa social media dahil ito sa isang segment ng programa
na mukhang patungkol kay Direk Vidanes ang minsang pinag-usapan ng mga host ng ‘It’s Showtime’.

Ang maiksing usapan na ito ay nangyari sa segment na ‘Hide and Sing’ ng programa kung saan, mayroong tatlong singer na pagpipilian ang cotestant at huhulaan nito kung sino sa tatlo ang celebrity singer.


Habang pumipili, mayroong sinabi si Vhong Navarro kay Ryan Bang. Ani nito sa huli,
“Si Ryan di dapat lumipat e. Kasi si Vice at Ion, number 2 na talaga. May lumipat, dapat hindi lumilipat ‘yun. Dun ka mag-stick sa 3.”

Ngunit, makahulugan ang naging sagot dito ni Ryan Bang kaya mistulang nabuksan ang usapan tungkol sa paglipat ng direktor.

“Basta hindi ako lumilipat ng channel" saad  ni Ryan Bang.



 


Dahil sa sinabing ito ni Ryan ay sinubukan naman ni Amy Perez, o Tyang Amy, na ibahin ang usapan. Ani pa nito, ang segment lamang umano ang pinag-uusapan nila. Mabilis pang saad ni Tyang Amy,

“Ang pinag-uusapan lang tago-kanta!”

Dito ay agad na sumabat sa usapan ang host na si Vice Ganda. 

“Sobra kang magsalita ah. Direk oh!” 
saad ni Vice




Nasundan pa ito ng isa pang makahulugang pahayag mula sa isa pang host na si Jugs Jugueta. Ang tinutukoy naman dito ni Jugs ay ang ‘loyalty’ raw dapat ng direktor gaya nilang mga host ng programa.

“Sabi mo loyal ka, ba’t ka lumipat? Sabi mo loyal tayong lahat. Loyal kami ni Kuys Vhong, loyal kami ni Vice,”
saad pa ni Jugs.


Reaksyon naman ni Tyang Amy para sa mga pahayag na ito ng kapwa mga host.

 


 “May sama ng loob?”  saad ni Amy

Talagang marami sa mga manonood ang napa komento at iniisip na si Direk Vidanes ay pinariringgan ng mga host.

Ano naman ang masasabi mo kaugnay nito?