Ang ibang lalaki ay sobra sobra kung magselos kapag ang kanilang minamahal na asawa o girlfriend ay nilalapitan ng ibang lalaki. Isang kakai...
Ang ibang lalaki ay sobra sobra kung magselos kapag ang kanilang minamahal na asawa o girlfriend ay nilalapitan ng ibang lalaki.
Isang kakaibang kwento naman ang isang mister na nagawang ipamigay ang kanyang misis dahil umano sa hirap ng buhay.
Ayon sa kasabihan at sa mata ng Diyos, ang pagsasama ng mag-asawa ay sa “hirap man o sa ginhawa.” Hindi dapat maging dahilan ang kahirapan ng buhay upang iwan ang isa’t isa.
Mayroon talagang mga pangyayari sa ating buhay na hindi natin maiiwasan. Katulad na lamang ng isang babae na iniwan ng kanyang asawa dahil wala na raw itong maipakain sa kanila.
Talaga nga naman na ikinagulat ng isang vlogger na si Lorry Aquino Talita ang kwento ni Mae Salangsawa, 25, mula sa Bulacan.
Plano lang sanang bigyan ni Lorry ang misis ng grocery items nang mabanggit nito na ikalawang asawa na pala niya ang kanyang kinakasama.
Kwento ni Mae, nahirapan na raw umano ang kanyang unang asawa na buhayin siya kaya ipinaubaya nalang siya sa ibang lalaki.
Ayon sa naging kwento ni Mae ay sinas@ktan raw siya ng kanyang lolo noon at ito ang naging dahilan ng maaga niyang pag-aasawa.
Dagdag pa niya, isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang kanyang ina ngunit wala naman daw itong pakialam sa kanilang magkakapatid.
Labis na nadur0g ang puso ng vlogger sa kwento ni misis kaya ibinigay na niya ang mga dalang grocery items sa pamilya ni Mae.
Panoorin ang video:
Ano naman ang masasabi mo kaugnay nito?