--> Binuking Na! Miss Manila,Sinabing Sumunod sa Utos at Scripted Lang Ang Kanyang Ginawa sa Wowowin! | ChikaTime

Binuking Na! Miss Manila,Sinabing Sumunod sa Utos at Scripted Lang Ang Kanyang Ginawa sa Wowowin!

  Matatandaan kamakailan na naging kontorbersiya ang hidwaan sa pagitan nina  Miss Manila Alex Abdon at kay "Hipon Girl" Herlene B...

 

Matatandaan kamakailan na naging kontorbersiya ang hidwaan sa pagitan nina  Miss Manila Alex Abdon at kay "Hipon Girl" Herlene Budol.

Mat1nding batikos ang natanggap ni Miss Manila Alexandra Abdon kaugnay sa isyung ito .



Marami sa mga netizen ang nakapansin na hindi na naka-public ang Instagram at Facebook accounts ni Alexandra, na kandidata sa Miss Universe Philippines 2020 pageant noong Oktubre, ito ay marahil sa mga pambabash na kanyang natanggap mula sa netizen.



 

Kung pagbabasehan ang bashing, nag-ugat ito sa “showdown” nila ni Herlene “Hipon Girl” Budol sa episode ng GMA-7 afternoon variety-game show na Wowowin: Tutok To Win.

 




Nagkaroon ng guest appearance si Alexandra sa Wowowin, at dito ay pinagharap sila ni Herlene.

Sa showdown, nagsagutan sina Alexandra at Herlene kung sino sa kanila ang mas maganda, mas sosyal, mas sexy, at mas angat.

Sa takbo ng diskurso, idiniin ni Alexandra ang pagiging “squammy” at “iskwater” ni Herlene.



Sagot ni Herlene, hindi niya ikinahihiya ang pagiging iskwater mula Antipolo, Rizal.

Ikinuwento rin ni Herlene na nakarating sa kanya ang pagtawag sa kanya ni Alexandra ng “iskwater” sa isang event na pinagsamahan nila kamakailan..

Gayunpaman, hindi rito nagtapos ang isyu dahil dito naman nagsimula ang batikos ng netizens kay Alexandra.

 Dahil sa pagdidiin niyang "iskwater" si Herlene ay sunud-sunod ang pamba-bash ng netizens  kay Miss Manila Alexandra.

 
May comments na na-screenshot, at dito mababasang "napag-utusan" lang si Alexandra kung ano ang sasabihin sa Wowowin.

Tanong ng netizen: 

"ask ko lang baket ang baba ng tingin ng “ROLE” mo kuno sa isang taong squammy? Ganon ba dapat talaga?”



 

Tila ang tinutumbok na “role” dito ng netizen ay ang guest ni Alexandra sa Kapuso game show.

Sagot si Alexandra:

 “Napagutusan lang po. Just doing my job. [smiling face with heart emoji].”

Komento ng isa pang netizen, worth it daw ba ang kasiraang inaabot ngayon ni Alexandra “para sa kakarampot na binigay nila sayo?”

Dugtong ng netizen, sa susunod ay mag-isip muna si Alexandra dahil nasira siya nang husto at ang nakinabang daw rito ay ang programa ni Willie.


May isa ring netizen na nag-post ng screenshot ng direct messaging nila ni Alexandra.


Dito ay kinumpirma ni Alexandra na “scripted” ang bangayan nila ni Herlene sa programa.
Message ng supporter ni Alexandra: “bb? Diba scripted lang lahat sa wowowin? [Teary-eyed face emoji]

 

Response ni Alexandra: 

“Yes po! [smiling face emoji] Pero yung bash, hindi. Hehe.
“But issokay! Kilala nyo naman ako. [smiling face emoji]”


 

Anong masasabi mo kaugnay sa isyung ito na kumakalat online?