Dahil sa gitna ng pademyang ating hinaharap ngayon ay sari-saring health protocols ang ipinatutupad sa iba't-ibang bahagi ng bansa at...
Dahil sa gitna ng pademyang ating hinaharap ngayon ay sari-saring health protocols ang ipinatutupad sa iba't-ibang bahagi ng bansa at ng buong mundo.
Ilan lamang dito ito ay ang pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.
Sa kabila pa man ng pandemyang ito ay sadyang may ilang taong pasaway na ang hirap pakiusapan at ayaw sumunod sa mga simpleng alituntunin para sa kapakanan ng lahat.
Tulad na lang ng babaeng customer na ito sa isang sikat na fast food restaurant ang siyang hindi sumunod sa protocols.
Nag viral ang video na kung saan ay mapapanuod ang isang babae sa harap ng cashier ng KFC habang nagsasalita at tinuturo ang kanyang order nang walang suot na face mask.
Dahil sa walang suot na face mask ay umalis palayo sa kanya ang uma-attend na crew kung kaya naman makikitang bigla na lang syang tumalon para pumatong sa counter.
Makikita natin na gal1t na ito at nagsisisigaw ang nasabing customer sa kinakausap niyang staff na tumalikod sa kanya.
"Give me something to f*cking eat! I'm hungry!" aniya kasabay ng ilan pang masasakit na salita hanggang sa puntong nananakot na ito na sasaktan nya ang empleyado.
Paliwanag ng ibang crew sa babaeng nagwawala, hindi nila sya maaaring pagserbisyuhan dahil sa kawalan nya ng face mask.
Sa kabila pa nito ay pinili ng pasaway na customer na makipagmatigasan sa mga crew at patuloy na pinagpilitan ang kanyang gusto na makabili ng pagkain doon kahit tumatanggi syang sumunod sa simpleng patakaran.
Ngunit nanindigang ang mga crew na kailangan nya munang sumunod o kung hindi, hindi sya maaaring mag-demand ng serbisyo mula sa KFC.
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo sa ins1denteng ito?